Last Chapter

7.6K 208 2
                                    

WARNING: MATURE CONTENT. Read at your own risk.

--

“Ate!”

Napalingon ako sa kapatid kong tumatakbo palapit sa akin. Bigla na lang gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ng maalala ko ang kamuntikan niyang pagkawala.

Hindi ko alam ang nangyari ng mga oras na iyon dahil nawalan ako ng malay. Ang sabi sa akin ni Nico ay bigla na lang tumunog ang aparato at nakita doon ang marahang tibok ng puso ng kapatid ko.

“Bakit kenjo?” Tanong ko ng makalapit siya sa akin. Agad niya akong hinila papunta sa sala ng bahay at bigla ring umalis.

Isang tikhim ang umagaw ng pansin ko at nakita ang taong tatlong buwan ko ng tinitikis at pinipilit kalimutan.
Nakatayo ito at mukhang fresh.

Baka naka move on na?

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko gamit ang blankong ekspresiyon.

“Ahmm. Hi! I’m Lex Nicolai Ybañez.” Nakatayo ito sa harap ko at nakalahad ang kamay.

Nagtaas ako ng kilay sa ginawa niya. “Ano na namang pakulo ito? Wala ka bang magawa sa buhay mo? Wala ka bang date sa mga babae mo?”

Ngumuso ito at tinago ang kamay na hindi ko tinanggap. Nameywang ako sa harap niya at naghintay ng sagot.

“I want to court you. Pwede bang manligaw?”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ko. Bigla kong naramdaman ang kung ano sa tiyan ko. Natatae ata ako. Bwisit!

“Hindi pwede. May three months rule ako—“

“Pero tapos na ang three months, right? So, can I court you now?” Putol niya sa sinasabi ko.

Ay peste! Oo nga pala.

“Wala akong pake. Four month rule ang akin.” Humalukipkip ako sa harap niya at kitang kita ko ang pagkagat niya ng ibabang labi.

“Edi babalik ako next month.” Sagot niya at humakbang ng isang beses.

"Five months rule! Ay, hindi! Walang katapusang months!" Umatras ako dahil palapit siya ng palapit sa akin. Nararamdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko.

"Edi buwan buwan ako babalik." At humakbang pa siya ng isang beses.

“Ang kulit! Ayoko nga magpaligaw!” Naiiritang sagot ko.

“Edi pakakasalan na lang agad kita.”

“Sige pwede rin— ano?! Teka?! Anong kasal kasal ka diyan!”

Uminit ang pisngi ko ng mapagtanto ko ang sinabi niya. Nakangisi lang ito at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

“You heard me.” Sabi niya.

“Nico ayoko makipag relasyon sa’yo ulit.”

Nakita ko ang pag daan ng sakit sa mata niya pero agad din iyong napalitan ng blankong emosyon.

“Why?”

“Kasi magulo ka. Nakakatakot maging parte ng buhay mo. Natatakot akong baka sa susunod—“

“Bakit ka natatakot? I can protect you from any harm.”

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagputol na naman ng sinabi ko. Inilang hakbang niya ang pagitan namin at hinawakan ang aking pisngi. Nangilid ang luha ko ng maramdam ko ang mga kamay niya.

“Galit ako sa’yo. Bakit gano'n ka? Bakit ng nawala ang baby natin ang lamig mo ng trato mo sa akin. Alam ko namang sinisisi mo ako—“

“I didn’t blame you! For fuck’sake!” Singit niya.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon