Chapter 13

7.9K 247 12
                                    

“Ano na?!”

Napapikit ako sa lakas ng boses ni Eunice. Nandito siya sa loob ng kwarto ko at nakikitsismis tungkol sa pag iwan niya sa akin ng nakaraang gabi. Bumalik sa alaala ko ang nangyari kahapon pagkagising ko sa condo niya.

“Aalis na ako.” Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at hinanap ang gamit ko.

“Can you.. Can you stay for awhile?” Nakakunot noo itong nakaharap sa akin at kinagat kagat ang labi.

“Bakit? Kailangan kong umuwi tiyak na hinahanap na ako ni kenjo..”

Dire-diretso akong tumayo at naglakad palapit sa pintuan. Huminto ako saglit at umasang pipigilan niya ulit pero wala akong narinig. Nanatili itong nakaupo sa gilid ng kama at nakatulala.
Pinihit ko ang seradura at akmang lalabas ng marinig ko siyang magsalita.

Kahit iwasan mo ako. Kahit itaboy mo ako palayo. Babalik at babalik ako sa’yo. My heart belongs to you and I don’t care if you give it back to me. I won’t accept it anyway.”

Napasinghap ako sa sinabi niya at nagpatuloy na umalis. Bobo na kung bobo pero aayusin ko muna buhay ko.

“Hoy!”

“Bakit ba Eunice?!” Naiinis na sabi sagot ko sa kaniya.

“Ay oh! Tinatanong kita!”

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngisi lang ang sinagot niya sa akin.

“Wala ngang nangyari sa’min!”

“Weh?” Nakataas ang isang kilay niya sa akin.

“Wala. Okay? Virgin pa ako!”

“Virgin pa daw? E ‘diba sabi mo—“

Tinakpan ko ng kamay ko ang bunganga niya bago pa man niya sabihin ang hindi dapat. Kahit kailan ang babaeng ito talaga napaka ingay eh! Hindi ko naman sinabi sa kaniya ang nangyari at puro tango lang ang sagot ko.

Binitawan ko siya at pinunas ang kamay ko sa damit niya.
“Kadiri!”

“Mas kadiri ka!” Natatawang saad niya.

“Hayop ka talaga Eun! Virgin pa talaga ako!” Binato ko siya ng unan at sinalo naman nito.

“Pero girl.. Iyong totoo?”

“Bou pa ang hymen ko. Bwisit ka!”

“Oh! Kalma friend! Ako lang ‘to.” At muli siyang humalakhak.

“Pero mahal mo talaga?” Sumeryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. Hindi naman mawawala iyon eh.

“Huwag na natin pag usapan Eun. Sumisikip lang ang dibdib ko.”

“Sumisikip dibdib mo? Gaga, wala kang dibdib. Flat chested ka. Ambisyosa!” Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya ng malakas.

Naputol ang tawa niya nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko iyon at agad bumulaga si Kenjo na nakangisi at may hawak na kutsilyo. Nanlaki ang mata ko sa hawak niya kaya agad ko iyong kinuha.

“Kenjo! Bawal mo ito hawakan! Hindi ito laruan! Jusko naman.”

Tumabi sa akin si Eunice at binati ang kapatid ko. Agad namang lumiwanag ang mukha nito at ngiting ngiting yumakap sa kaibigan ko.

“Ate Eun!”

“Kamusta kenjo? Pasaway ka ba?”

Umiling ang kapatid ko ngumiti ng malapad. “Kenjo cyush Ate Eun.” Humagikhik ang kapatid ko na nagpatawa ng malakas sa amin ni Eun.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon