Chapter 9

8.9K 265 22
                                    

"The slut is here." Lumapit siya sa akin habang nakataas ang isa nitong kilay. "Magkano ang bili sa dress na 'yan? Feeling reyna ka ata sa piling ni Nicolai?"

Tiningnan ko siya nang masama na kasing sama ng ugali niya. Noong una bigla niya akong sinampal tapos ngayon tinapunan niya ako ng juice. Problema ba ng babaeng 'to sa akin?

Biglang lumapit sa akin si Dominique at pinunasan ang balikat kong may bahid ng juice. "Okay ka lang Aira?"

"Ow? The bitch have friend?" Tumingin siya kay Dominique at nagsalita ulit. "So who's your target? Jakobe? Armione? Levi? Come on! Tell me."

Tumingin lang si Dominique nang masama kay Therese. Nakakaagaw na rin kami ng atensiyon ng ibang bisita. Hinila ko ang kaibigan ko paalis sa harap niya pero pinigilan ako nito. "You don't turn your back to me. Kilala mo ba ako?"

"Sumusobra ka na ah!" sigaw ng kaibigan ko. Kaya napatingin sa kaniya si Therese na nakataas ang isang kilay. Tumawa ito nang pagak at umiling-iling.

Tinulak niya lang si Dominique kaya napa salampak ito sa sahig. Kahit na mas matanda ng dalawang taon si Dominique kay Therese ay mas petite naman ang kaibigan ko, ang tangkad kaya ng bruhang 'to.

"What is happening here?"

Napalingon kami sa taong nagsalita. Si Nico kasama ang mga pinsan at kapatid niya ang nakakita sa amin. Lumipad ang tingin niya sa akin at agad nanlaki ang mga mata. Mabilis siyang lumapit sa'kin at ipinatong ang suit niya sa balikat ko. Pucha! Ang lagkit!

"Are you okay?" Napatango ako sa tanong niya at tinapunan nang matalim na tingin ang babaeng kaharap namin.

"What do you think you're doing?" tanong ni Nicolai na mababanaag ang inis sa mukha.

"Bakit namumula ang palad mo?" Narinig kong tanong ni Jakobe kay Dominique. Kibit balikat lang ang sagot niya at ngumiti.

"What is your problem guys? These women wants your money for damn sake!" Sigaw ni Therese sa amin. Pinag titinginan na kami ng ibang bisita. This girl seems love the attention very much. Grabe, hakot pansin bes.

"What is wrong with you Therese?" Napahawak si Nico sa sintido niya. "Stop meddling with my life, with our life. You're just a friend Therese. Know your place."

Pagkatapos sabihin iyon ay hinawakan ni Nico ang kamay ko at kinaladkad palabas ng Resort. Nakaigting ang panga nito at namumula ang tenga. Huminto kami sa harap ng sasakyan niya at binuksan ang pinto sa harap.

"Get in." Tumalima ako at agad na pumasok.

Nasa gitna kami ng daan pauwi at hindi man lang siya nagsasalita. "Okay ka lang?" Basag ko sa katahimikan.

Shit! Badtrip ang koya niyo..

Napalunok ako nang hindi niya ako pinansin. Tumingin ako sa sa labas ng sasakyan at pumikit..

"Wake up.."

Marahang tapik sa pisngi ang nagpagising sa akin. Agad kong pinunasan ang gilid ng labi ko nang ma-realize kong nakatulog ako sa kotse. Pucha! Tumulo ba laway ko?

"Pumasok ka na."

Tumango ako at nanatiling nakaupo sa loob ng sasakyan. 'Ano nga bang hinihintay ko.?' Nagpasya akong bumaba ng kotse pero agad din niya akong pinigilan. Napatingin ako sa mukha niyang blanko ang ekspresyon.

"Goodnight."

Isang halik sa noo ang iginawad niya sa akin bago ako tuluyang binitawan. Ganoon lang? Wala na? 'Problema ng ugok na 'to?' Nilapag ko sa backseat ang suit niya huminga nang malalim at tuluyang bumaba.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon