Chapter 12

7.9K 268 9
                                    


“Girl tama na ‘yan!” Tinabig ko ang kamay ni Eunice na pumipigil sa akin. Nandito ako para uminom hindi para magpigil.

“Eun hayaan mo nga ako!”

Muli kong kinuha ang baso sa lamesa at inisang lagok ito. Naramdaman ko ang pag guhit ng pait sa lalamunan kaya napaubo agad ako. Tangina! Ang init naman no’n!

“Gaga ka talaga! Ano? Okay pa lalamunan mo? Alam mo bang Tequila ‘yon?!”

“Wala akong alam sa alak Eun.”

Yumukyok ako sa lamesa at tumawa ng bahagya. Akalain mo nga naman oh? Umiinom ako para sa lalaking magulo ang utak. Sa lalaking niloko ako. Sa lalaking mahal ko. Uminit ang sulok ng mata ko at humikbi. Hinagod ni Eun ang likod ko at pinapatahan.

“Ano bang nangyari?”

Umangat ang ulo ko at yumakap sa kaniya. Iiyak ko ‘to lahat. Para bukas pag gising ko wala na. Tapos na at hindi na masakit. Hindi na nga ba talaga masakit? Mawawala ba talaga lahat agad iyong sakit? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita dahil panay absent ito. Akala ko nga nag-resign na siya eh kaso naalala ko siya pala may ari ng kompanya.

Gano’n ba siya magmahal? May paluhod luhod pa siyang nalalaman. E susuko naman pala agad. Wala siyang bayag! Wala siyang balls! Bwisit siya!

“Eun.. ‘Diba pag mahal mo. Hindi mo lolokohin? Hindi mo sasaktan?”

Totoo naman talaga diba? Kasi pag sinaktan mo ang mahal mo mas masasaktan ka.

“Tama ka girl. Pero mahal mo ba siya?”

Tumulo ang luha ko at tumango ng paulit ulit. Mahal ko naman talaga siya eh. Iiiyak ba ako at mag mumokmok kung hindi. Pero kasi, ako ba ang mahal niya? Kasi hindi ko na alam eh. Pakiradam ko may mali sa lahat eh. Pakiramdam ko may tinatago silang lahat sa akin.

“Mahal ko siya…” Pag amin ko at agad pinahid ang luhang tumakas sa mata ko at tahimik na humikbi.

“Aira. Pag mahal mo kahit nasaktan ka, papakinggan mo parin. Hindi naman laging ‘what you see is what you get.’ Kasi minsan sa likod ng isang litrato ay kabaliktaran ang nangyayari..”

Mali ba ang ginawa ko? Mali bang hindi ako nakinig? Tinungga ko ulit ang isang baso ng alak at pabagsak na nilapag iyon sa mesa.

Nakatulala lang ako habang si Eunice naman ay nagtetex nang may mga lalaking lumapit sa amin partikular na sa kaibigan ko.

“Eunice.. Long time no see?”

“Anong ginagawa mo dito?”

Napatayo si Eunice at nawalan ng kulay ang mukha. Ngumisi ang lalaki sa kaniya at may inabot na baso ng alak. Tinanggihan iyon ni Eunice kaya agad ko iyong kinuha at ininom.

“Aira!”

Hinablot niya ang baso at tinapon pero nakalahati ko iyon kaya agad kong naramdaman ang pag guhit niyon sa lalamunan ko kasabay ng pag ikot ng paningin ko.

“Hell! Your friend is feisty as hell Eunice! I like it!” Bigla akong hinatak patayo ng isa pang lalaki at pinulupot ang kamay sa bewang.

“Wag mong hawakan ang kaibigan ko!”

Nakaramdam ako ng pag gaan ng pakiramdam ko at kagustuhang sumayaw. Kumapit ako sa leeg ng lalaking kaharap ko at ngumiti ng matamis.

“Sayaw tayo..”

“Aira?! Hindi pwede! Lasing kana!” Iwinaksi ko ang braso ni Eunice at humarap sa lalaki.

“Sure babe..”

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon