Chapter 10

10K 317 17
                                    

Palabas na ako ng building dahil tapos na ang shift ko sa araw na ito. Kasama ko si Eunice kanina pero nauna na itong sumakay dahil may dinner date pa daw siya. Marahas akong bumuga ng hangin dahil naiinis ako. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Nico siguro sawa na talaga siya sa akin.

Napahinga ako ng malalim nang bigla na lang may yumakap sa akin mula ka likod. 'Holdap na ba 'to? Putanesca! Wala pa naman akong pera ngayon!'

Bago pa ako makatakbo nang mabilis ay mas humigpit ang yakap sa akin. Kumunot ang noo ko nang maamoy ang pamilyar na pabango. Mabilis na nagwala ang puso ko nang maramdaman ko ang pagsubsob niya sa balikat ko.

"I missed you.." bulong niya sa akin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilin ang kilig. Simula kasi nang nangyari sa birthday ng pinsan niya ay parang feeling gwapo na siya kung umiwas sa akin, well gwapo naman talaga siya.

Nang lingunin ko siya ay magulo ang buhok nito at medyo maitim ang ilalim ng mata. Mukha wala pa itong tulog at pagod na pagod. Hinaplos niya ang pisngi ko nang marahan at ngumiti ng matipid.

"I'm sorry, Aira-"

"Sorry ka diyan! Anong tingin mo sa akin? Marupok? Heler!" naiinis na sabi ko sa kaniya.

"I was so pissed this past few days, Aira." Bakas sa boses niya ang pagod at pagkatamlay.

Bigla niya akong kinabig ng yakap at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Hindi ako handa sa ginawa niya kaya kinilig na naman ang lola niyo.

"'Wag kana magalit. I've finished all my works so that I can be with you all day." Naramdman ko ang sinseridad sa mga salita na lumalabas sa kaniyang bibig.

Humiwalay ako sa yakap niya at marahan kong hinaplos ang pisngi niya bago nagsalita. "Sa condo mo tayo? Pagluluto kita."

Lumiwanag ang mukha ni Nico at mabilis akong ginawaran ng halik sa labi. "Damn Aira! You're my energy booster." Agad niya akong hinila papunta sa sasakyan niya at mabilis na pinaharurot iyon.

Halos lumipad lahat ng meron ako sa bilis niyang magpatakbo. Ilang minuto lang nang marating namin ang building ng condo niya.

"Do you need some ingredients?" tanong niya sa akin. Umiling ako kaya nagpatuloy kami sa kaniyang unit.

Nang makapasok kami ay inilapag ko na ang gamit ko at agad tumungo sa kusina. Nilingon ko si Nico na umupo sa couch at hinihilot ang sintido. Marahil ay pagod talaga siya dahil sa trabaho.

Agad kong inasikaso ang mga lulutuin dahil ramdam ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko. "Sana masarap 'tong luto ko."

Halos mag-iisang oras bago ako natapos sa pagluluto. Kaya agad ko ng inihain sa lamesa.

"Nico! Luto na!"

Nagluto ako ng sinigang na baboy at adobo para sa hapunan namin ngayon. Natulog ng sandali si Nico siguro dahil pagod talaga siya. Naglakad ako papunta ng kwarto niya at kumatok. "Nico?"

Bumukas ang pinto at niluwa niyon si Nico na kinukusot ang kaliwang mata. Gulo gulo ang buhok nito at mamula mula ang leeg papunta sa hubad na dibdib. Napalunok ako nang mas bumaba ang tingin ko sa abs niyo. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Anim na ulam! Este pandesal. Parang gusto ko na lang dumighay. Nakakabusog kasi..

Bumaba pa ang tingin ko at nakita ko ang mumunting balahibo sa ilalim ng pusod niya. At nang dumako ang mapangahas kong mga mata sa umbok ay nanuyo ang lalamunan ko. 'Bat ang laki ng umbok?'

"Eyes up baby. Stop eye-raping me."

Napatalon ako sa gulat at agad siyang sinamaan ng tingin. Nakangisi lang siya sa akin at ibinalandra ang katawan sa harap ko. Nagpose pa ito ng braso at ginalaw galaw pataas ang dalawang kilay na para bang isang masarap este machong modelo.

Eternal Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon