“You like it?”“Nico hindi ko matatanggap iyan.”
Ngumuso siya nang hindi ko tanggapin ang kwintas na binigay niya sa akin. Binalik niya iyon sa bulsa niya at malungkot na kumain. Ito nga lang paglibre niya sa akin kumain sa mamahaling restaurant ngayon ay sobra na bakit ko pa tatanggapin ang kwintas.
“Ayaw mo talaga?” pangungulit niya sa akin.
Sasagot pa sana ako sa tanong niya nang may sumulpot sa gilid ng table namin. He stand proudly and rude. The way he switches his stare to Nico and me is insulting.
“What a lovely couple..”
Biglang tumayo si Nico at agad akong hinila patayo at tinago sa likod niya . Nagtataka akong napatingin sa lalaking kaharap namin. Kilala ko siya. Siya si Drie na bestfriend niya.
“What are you doing here?” Malamig ang boses ni Nico na kinausap ang bestfriend niya.
“Is that your way of greeting your bestfriend?” Nakangising sagot nito.
“You were my bestfriend.” Lumingon sa akin si Nicolai. “Let’s go.”
“Aira Janine Suarez..”
Sabay kaming napalingon ni Nico sa kaniya. Nakataas ang isang kilay nito habang nakangisi. Pamilyar ang boses niya sa akin. Pakiramdam ko ay narinig ko na ito somewhere.
Sinugod ni Nico si Drei at kinuwelyuhan. Nakaiigting ang panga ni Nico at nagbabaga ang matang nakatitig sa bestfriend niya.
“I’m warning you Andrei. Not her. Sa’kin ka galit kaya 'wag mo na siyang idamay.”
“Lex Nicolai, simula nang naging parte siya ng buhay mo damay na siya.”
Napasighap ako sa narinig ko kay Drei. Idadamay? Saan? Ano bang nangyayari?
“Fuck you!”
Isang malutong na suntok ang iginawad ni Nico sa bestfriend niya. Nagiigtingan ang bagang niya habang masamang nakatingin sa bestfriend niyang nakahawak sa dumudugong labi.
Hinatak ako ni Nicolai palabas ng private room pero bago tuluyang lumabas ay nagsalita pa si Drei.
“Remember Nicolai! I’m not yet done..”
Halakhak niya ang naririnig ko nang umalis na kami sa private room. Dumiretso kami ng sasakyan niya at agad pinaharurot ito.
Nanginginig ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa manibela. Hinawakan ko siya sa braso kaya napapiksi siya nang bahagya. Dahan dahan kumalma ang katawan niya at huminga ng malalim.
“Okay ka lang?”
Hinuli ng kamay niya ang kamay ko at dinala ito sa kaniyang labi. Marahan niya itong ginagawaran ng mumunting halik.
“As long na kasama kita at akin ka. I’ll be okay.”
--
Hindi ako nasundo ni Nico kagabi dahil may mahalaga daw silang pag uusapan ng mga kapatid niya. Pinagpilitan niya pa rin pero siniguro ko sa kaniyang okay lang ako. Kahit kailan talaga napakulit ng lalaking iyon.
Dumating ako sa building nang makasalubong ko ang secretary ni Nico na may dalang basket ng prutas.
“Excuse me? Nandiyan ba si Nico? I mean si Sir Ybañez?”
Ngumiti sa akin ang secretary at iniabot sa akin ang basket. Nagtataka man ay tinanggap ko iyon.
“Ikaw na magdala niyan kay Sir. May sakit siya kaya absent.”
BINABASA MO ANG
Eternal Promise [COMPLETED]
Ficción GeneralYbañez Series One He forget. She can't remember. How can a promise of forever buried in the past? Will they remember their promises or will they ignore the sudden familiarity every time they bump into each other. Aira Janine Suarez loves her family...