Kabanata 1: Unang Araw
Nagising ako pasado alas kuwatro ng umaga. Gusto ko pa sana na matulog ulit dahilan sa inaantok pa ako at matagal akong nakatulog kagabi. Iniisip ko ang maaaring mangyari sa araw na ito, mga gagawin ko at makikilala ko. Papasok ako sa bagong unibersidad ngayon huling taon ko na sa senior high school. Kinailangan rin namin na lumipat ng bagong bahay dahil sa trabaho ni mama. Hindi na bago sakin itong palipat lipat ng bahay at paaralan, nakasanayan ko na ito simula noong bata pa. Nagtatarabaho si Mama bilang House Dealer. Ang kuya ko naman ay nag abroad pagkatapos makapag aral. Pantustos sa gastosin sa bahay at sa pag-aaral ko. Single parent siya, tumayo siya bilang isang ama at ina sa aming magkakapatid. Sa panahong ito, ang tangi kong maitutulong kay mama ay ang makisama sa mga desisyon niya at sa paglilipat namin ng bahay.
Nilibot ko ang paningin sa kwarto ko na may pakalat kalat na mga gamit ko galing pa sa kakalipat namin noong linggo. Pumunta ako sa bathroom namin at nagsimula ng maghanda para sa pasukan mamaya.
Lumabas ako sa kwarto ko at nahalimuyak ang niluluto ni mama. Kahit busy si mama at maaga rin siyang umaalis, palagi siyang gumagawa ng oras para makapagluto samin tuwing umaga. Napansin niya ang paglabas ko mula sa kwarto.
"Good morning, Briella anak" matamis na ngiti niya sakin. Pinagpatuloy niya ang paghain ng kanin at nilagay sa mesa. Biglang tumunog ang phone niya ng kakalagay niya lang ng pagkain. Dali-dali niya itong kinuha at sinagot ang tawag.
"Yes ma'am. I'll arrive in the location an hour before now…" patuloy parin sa pag timpla si mama ng gatas ko habang sinasagot ang tawag. Umupo ako sa high chair sa counter at tiningnan ko si mama, sinenyasan niya ako na kumain na.
" Okay, okay. I won't be late… See you later"
Parang may importanteng pupuntahan si mama mamaya. Lumapit agad siya sa counter at umupo sa kaharap kong puwesto. Nilagay niya ang phone sa tabi, at simulang kumain narin.
"Briella anak, good luck sa araw mo ngayon. Huwag mo masyadong e-pressure iyang sarili mo. Alam mo namang nakakasama yan sa beauty ng anak ko."
Palagi iyang sinasabi at pinapapaalala ni mama sakin tuwing balik pasukan na. She never fail to compliment me and give me advices. Kaya mahal na mahal ko siya.
" Ma naman, first day palang. Wala ka pressure-pressure pa masyado. Huwag kang mag-alala. As usual, I can adjust right away to the environment I'm in. Hindi na bago sakin iyan." sinabi ko iyan para hindi na mag alala si mama sakin. May isang beses na first time naming lipat sa isang bahay, at pasukan ulit sa bago ko na paaralan. Dahil sa pag-alala ni mama sakin ay nag out siya ng maaga sa work para sunduin ako sa school. Tuluyan tuloy naapektuhan ang working hours ni mama. Ayaw ko sanang mangyari ulit yun dahil sakin.
" Anak, paalala ko lang iyan."
"I know ma. I'll be home safely mamayang hapon. Tsaka maaga naman matapos schedule namin kumpara sa huling University na pinasukan ko."
"Okay alright. Anak, alam mo ba. Tuloy na ang pagbili ng mga Ampano sa Mansion doon sa area na handle ko." tumili si mama sa ibinalita niya sakin. Para ko naring kapatid si mama. Lahat ng bagay na gusto ko ay sasabayan niya. Vice versa din. Nabuntis si mama kay kuya ng maaga, at nasunod din ako kaya hindi masayadong matanda ang mukha niya. Minsan nagpapakamalan kami ng mga tao sa paligid na magkakapatid kami.
"Mabuti naman ma. Talagang hindi sila nagkamali sa pagpili ng bahay."
Unang natapos kumain si mama, at nilagay na niya ang mga pinggan sa sink. "Bilisan mo na diyan, ihahatid kita sa University. Hindi mo pa naman kabisado ang daan. I'll send and pick you up at school for the meantime."
BINABASA MO ANG
Akala
Teen FictionBriella Louies Enriquez is always exposed to a new environment also including with new people. Her family is always on the move due to her mother's job. Sa taon na ito she'll be transferring to a University with no friends or anyone familiar to her...