KABANATA 3

246 80 15
                                    


Kabanata 3: Mentos

Mabalis dumating ang week na magsisimula ang consequences namin. Sa mga nakaraang linggo, paminsan minsan we crossed paths with Lucas without any necessary conversation, tama nga naman wala naman kaming dapat pag usapan. Nangyari ang nangyari. Nalaman ko din na iisa lang pala building namin, bale ABM Strand din siya. Sa bawat building dito may designated strand lamang para organised ang mga students. Sina Aira at Mia, nalaman na din nila tungkol sa parusa na gagawin namin sa buong dalawang linggo. Naikuwento ko sakanila tungkol sa magkakapatid, gulat gulat sila sa nalaman. Ang alam lang kasi nila magka-apeliyedo lamang ang dalawa pero never nilang nalaman ang relationship nila.

Kakatapos lang ng last subject namin at nagligpit ako sa mga gamit ko para diretso na ako sa library. Baka pagalitan ako kapag nahuling pumunta.

"Mia, nasaan si Aira?" nagliligpit din si Mia ng mga gamit niya at sa pagtataka ko niligpit niya rin kay Aira.

"Sabi niya may pupuntahan siya saglit sa kabilang building, babalik din yon. Sabay kaming uuwi."

"Ahh kaya pala. Ipaalam mo nalang ako sakanya, pupunta na ako ng library. Alam mo na." nginitian niya ako at kinuha ko na ang bag ko. "Sige mag ingat ka, magtext ka lang kung inaaway ka ng Evette na yun." tumawa si Mia. Alam na din nila na naiinis ako kay Evette, pati rin daw sila nung nanalo noon si Evette sa campaign ay hindi rin nila nagustuhan. May similarities na naman ulit kaming magka-kaibigan.

Alam ko na din ang pasikot-pasikot at daanan dito sa Sundelle University. Nagkita kami ulit ni Ms. Villaverde last week at binigyan niya ako ng tour dito sa University niya. Napag alaman ko din na ang buong pangalan niya ay Sundelle Wen Villaverde, sabi niya simula ng isinilang siya ay ipinangalan na sa kaniya ang University na ito at pinag usapan na nito ng pamilya nila na siya ang magiging tagapagmana pagdating niya sa edad na disiotso. Hindi siya nakapagtapos ng college at inatupag niya kaagad ang pagpapatakbo ng paaralan na ito.

I felt bad for her, half of her college life was wasted pero I don't blame her for her decision. Mayaman naman sila at may kaya, buti nga pang middle class yung pamilya namin. Mabait siya at palatawa, now she let me address her Ms. Sundelle nalang kasi masyadong pormal ang last name base. Ang mas nakakatawa pa ay binigyan niya ako ng map sa University para raw hindi ako maliligaw, may nilagay din siya na notes doon like shortcuts ganon. She really is fitted for her position, hindi gaya ng iba diyan.

Nakarating ako sa harap nga pinto ng pinaka main library dito sa University. Ito ay isang maliit na building na library lang ang laman nito lahat. Nakapasok ako at nakita ko ang mga nagtataasang bookshelves at ang mga nakahilera na mga long tables, chairs, lamps at tsaka ang iba naman ay computer. Nakapasok ako at nakita ko kaagad sa information desk si Evette na may tinitingnan na files. Lumapit ako doon at agad naman niya akong napansin.

"What took you so long? Kanina pa dito si Lucas. Magligpit kana doon sa pangatlong shelf ng mga libro." bossy niyang utos sakin. Pasalamat siya at pakikisamahan ko muna siya ngayon para maaga akong makaalis dito. Dumaan ako sa mga bookshelves at sa pangatlong shelf ay nakita ko si Lucas na naglalaro. Aba, magaling. Kanina pa daw dito, pero wala pa namang nagawa. Kitang kita ko ang stack ng mga libro sa gilid niya. Naka headphones pa para siguro hindi siya marinig. Hindi niya parin ako napansin, nakatayo lang naman ako sa dulo ng shelf na pinag-standby niya.


May kinuha akong mentos sa bulsa ko, at binato ko sakanya. Agad naman itong napatingin kung sino ang bumato. Napunta ang mga mata niya sakin, ayan naman tayo sa mga asul niyang mga mata. Parang dagat na hindi mo malalaman kung hanggang kailan ka mawawalan ng ginhawa, parang nalulunod ako tuwing nakikita ito.

Tumayo siya at mas lumapit sakin. Huwag, lumayo ka. Kailangan ba talagang lumapit? Ilang pulgada nalang ang pagitan namin. Napapaatras ko sa ginawa niya. "Ano naman ba kailangan mo sakin? Bakit tuwing nagkikita tayo you always throw things at me?"

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon