KABANATA 11

67 58 9
                                    

Kabanata 11: Edi Kape



Mabilis nagdaan ang araw at walang ni isang araw hindi ako napagtripan ni Lucas. Mula sa gamit ko na nawawala, kasi tinatapon niya o kaya'y tinago niya. 

Mas lalo niya akong ginugulo, mahigit tatlong beses sa isang araw. Parang hindi siya nauubusan ng magiging plano. Desido talaga siya na kusa akong mag transfer out sa University na ito. Pero he won't win. Magsasawa rin yan. 

Sa mga nagdaang araw sa pag punta ko sa library, hindi ko alam kung bakit mas naging mabait ang trato sakin ni Evette o sadyang trip niya lang din iyon. Minsan kapag may ginagawa na task ay sinasabayan niya ako at nakikipag-usap siya sakin ng matino. Pero pansin ko, puro Ayven ang bukambibig niya. She even jokingly said na may gusto sakin ang tao. 

"Si Ayven? Magkagusto sakin? Mukhang malabo iyang sinasabi mo Evette." at nagpatuloy sa ginawa ko. But she never stop persuading me. 

"Really, kitang kita ko sa mga mata niya, Briella. Noong nanghiram siya ng damit mula sakin para isuot sayo. He even pleaded to me na pahiramin siya baka kasi daw magka-sakit ka." Naging mas madaldal si Evette sakin mula ng binalik ko sa kaniya ang damit niya. 

And speaking of Ayven, not a day that he wasn't around with me. Palagi siyang pumupunta sa building namin tuwing lunch para makisabay samin nina Aira at Mia. He always picks me up sa room kapag dumating ang hapon. Actually not only him, pansin ko rin na hinihintay ako ni Lucas sa labas ng room. Silang dalawa. Pero alam ko ang atraso ni Lucas. He just wants annoy me again as soon as possible. 

Noong nakaraang araw, sa cafeteria. Biglaang sumigaw si Lucas. 

"She got blood stains on her skirt!" sabay turo sakin. Talagang ipinag-sigaw niya talaga. Lahat ng atensyon ay napunta sakin. It was the talk of the campus. What a bad day. Kulay lavender ang palda namin. Kaya makikita talaga ang blood stains. The funny thing was that, it's still not my time of the month yet. 

" Totoo, Brie. May blood stains ka sa palda mo." Aira shrieked pagkatapos tingnan ang palda ko sa likod. 

"Ngayon ko lang din napansin. Did you bring a sandwich?" sandwich? Anong ba ang pinagsasabi nito ni Mia. Bakit may kinalaman ba ang sandwich dito sa blood stains. 

Mia explained to me na sandwich pala ang tawag nila ni Aira sa napkins. Ang weird talaga ng mga kaibigan ko. Buti nalang kakatapos lang namin kumain at pabalik na kami. What's worst is kasama namin si Ayven. He just stood up at the side at parang namumula.

Dinala nila ako sa CR, at binigyan ako ni Mia ng spare sandwich. Pero may problema pa ako, ang palda ko. 

"I can ask some spare skirts from Ate Sundelle. She have extra stocks." pag presenta ni Ayven at agad umalis. 

Pumasok na ako para makapaglagay na nga ng napkin. Pero ang pinakasaklap na nangyari ay, walang ni isang tuldok ng dugo ang nakita ko. Was I pranked again? Tinanggal ko ang palda ko inamoy ito. Parang amoy kemikal. Yung parang tubig na hinaluan ng coloring dye. Kanina siguro ito sa inuupuan ko. I was right, hindi ko talaga time of the month ngayon. 

Lumabas ako at sinabihan sila ni Aira at Mia na prank lang yun lahat. Saktong dumating si Ayven dala ang bagong palda. 

Ayven was so mad ng nalaman niya na planado lang pala lahat yun ni Lucas. 

As days go by, palaging to the rescue ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Ayven. Parang napalapit na rin kami sa kaniya kasi palagi namin siya nakakasama. Lalo na may tiwala na din sina Aira at Mia na ibilin ako kay Ayven habang pupunta sa Library. 

Pero speaking of the devil, Lucas was really getting worst each day. At mas lalong nagagalit siya kapag palaging na so-solusyonan ni Ayven ang mga pinaggagawa niyang kalokohan sakin. 

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon