Kabanata 6: Rotten Eggs
"Mia, have you seen my textbooks here?" turo ko sa ibabaw ng mesa ko. Umalis lang kasi ako saglit para mag cr. Pagbalik ko, wala na ang books na naka stack sa mesa ko.
"Wala namang mga libro diyan kanina, Brie. Sorry hindi ko napansin."
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng room at bawat isa ay abala sa kanilang mga ginagawa. Hindi ko rin nakita ang mga libro ko, baka sakali may nanghiram. Sino ba kasi nagkuha? Bakit ba hindi nagpaalam?
Buti at tatlong textbooks lang nilagay ko sa mesa, at yung iba ay nasa bag. Saan kaya nagpunta yon?
Magsisimula na sana ang klase namin nang biglang may pumasok sa room namin na schoolmate. Hindi ko siya kilala.
"Brielle Enriquez, pinapasabi ni Lucas na e-claim mo na daw ang mga textbooks mo sa lost-and-found Management." at agad na umalis ang lalaki pagkatapos sabihin ang lahat ng iyon. Teka? Sa lost-and-found? Siya ba may kagagawan nito? Nagpaaalam ako sa mga kaibigan ko na kukunin ko ang mga textbooks ko.
" Pero Brie, magsisimula na ang klase. Mayamaya dadating na si Prof. Briones." awat sakin ni Aira. Eto kasing si Aira takot kay Prof. Briones. Ayaw niya lang siguro niya akong mapagalitan lalo na ngayon in favor siya sakin.
"Don't worry, babalik din ako. Kailangan ko lang kasi kunin, baka gagamitin natin mamaya." at aakmang umalis na.
"Mag-ingat ka! Mahilig sa mga kabalastugang gawain si Lucas." pasigaw na paalala ni Mia sakin bago nakalabas ng silid. Buti at dala-dala ko palagi ang map ng school na binigay sakin ni Ms. Sundelle. Hindi ko pa naman alam ang daanan patungo doon.
Nakarating kaagad ako at naabutan ko doon ang mga student council which is nandito rin si Evette. Nagpa-paypay sila mukha nila na para bang may masamang amoy silang naaamoyan.
"Oh here you are." napansin niya ako na kakarating lang. Pag harap niya sakin ay binigay niya sakin ang paper bag na sa tingin ko ay nandoon ang textbooks ko.
Tatanggapin ko na sana ito pero may naaamoy akong mali sa paper bag. Binuksan ko ito at lalong naging masangsang ang amoy. Puro basag na itlog ang nakalagay sa libro ko, at kita ko ang tuyo na bulok na itlog na parang binilad sa araw ang mga libro ko.
"What happened to my textbooks?!" diretso ang tingin ko kay Evette na siyang nagbigay sakin. Tahimik lang din ang kasama niyang co-student council.
"Woah! Don't look at me," at tinaas ang magkabilang kamay. "You should ask the one who saw it at the soccer court while your books are sunbathed kasama ang mga bulok na itlog na iyan." agad na sabi niya sakin. Si Lucas lang ang tanging tao na pumasok sa isip ko.
Nagmadali akong pumunta pabalik sa ABM building. Susugurin ko talaga ang lalakeng iyon. Madami ng pumapasok sa isip ko kung ano ang dapat kong gawin kay Lucas. Sabotage na ba? Bubogbugin ko ba? Maraming magandang paraan na pumasok sa kokote ko.
May nadaanan akong basurahan at tinapon kaagad ang paper bag pero bago yun, nahagilap ko kanina na may hindi pa basag na itlog sa loob at kinuha ko ito. Ito nalang ang tanging bitbit patungo doon. Hindi pa nagsisimula ang iba't ibang classes kaya may iba pang students na nasa corridors.
Nagsi-tinginan sila habang dumadaan ako. May iba ang napatakip sa kanilang mga ilong dahil siguro ay dumikit sakin ang amoy ng bulok na itlog. Kakalaba pa lang naman itong uniform ko na ito. Lunes na lunes, jusko! Papagalitan talaga ako nito ni mama kapag nakauwi akong ganito.
Nakikita ko na ang room nila. ABM ROOM 4. Nakalagay yan sa ibabaw ng pinto nila.
Alam ko naman na hindi pa nagsisimula ay klase. Agad akong pumasok ng walang pag alinlangan. Hinanap ko si Lucas sa sari-saring students. May iba gulat sa pag pasok ko at ang iba naman ay hindi na abala.
BINABASA MO ANG
Akala
Teen FictionBriella Louies Enriquez is always exposed to a new environment also including with new people. Her family is always on the move due to her mother's job. Sa taon na ito she'll be transferring to a University with no friends or anyone familiar to her...