KABANATA 15

60 50 0
                                    


KABANATA 15: Skipped



"Eto pa," bigay sakin ng isang packed egg sandwich. Malapit na akong matapos sa kinain ko na packed meal, ang sarap kasi tignan ng mga putahe. Sadyang gutom talaga ako at dahil sa katamaran ko na pumunta ng cafeteria ay napakain talaga ako nitong lalaki na ito. 

Alam kong trina-traydor ako ngayon ng sarili ko. Hindi ko kasi mapigilan. 

Habang kumakain ako, pansin ko nakatitig lang siya sakin. Kaya minsan konti lang sinusubo ko. Why's he treating me like this? Pagkatapos ng ginawa niya kanina sa cafeteria, bakit nagkakaganito siya? He seems like amused while watching me finish the food he offered. Bipolar talaga itong si Lucas. Kanina lang parang wala sa mood at kung ano pinaggagawang trip jiya sakin. Tapos ngayon, heto binibigyan niya hiako ng pagkain. Nakokosensiya yata siya tuwing may pag tripan niya ako, ano? Sana nga lang. Mas gugustuhin ko ang pagiging mabait niya, ani nga ni Miss Sundelle. Mabait raw itong lalake na ito. 

"Huwag na, busog na ako." aakma na sana akong tatayo ng bigla niyang hinawakan ang mag kabilang braso ko at pilit pina upo ulit. At talagang natinag ako sa ginawa niya. Ano akala niya sakin? Kayang ubusin iyang lahat na pinamili niya? Pinagloloko na naman yata ako nito. 

" No, you gotta finish this all. Pinabili ko ito lahat sa kapatid ko, tapos hindi mo lang uubusin." ani niya at nagbukas ulit ng bagong pagkain. Isang snack na naman binigay niya sakin. May kinuha na naman siya sa bag niya, at isa itong kahon. Pagkain na naman ba ang laman niyan?


" Excuse me!," I continously blinked and expressed with exaggeration."hindi naman kita pinabili ng lahat yan, ah, at tsaka what's with all of this?" ani ko while pointing all the food. 

Bumagsak ang kaniyang balikat. Binasa niya ang labi niya. It slightly turned to red. His lips twitched na para pang pinipigilan niya ang sarili na sabihin ang ano. Pumikit siya at dahan-dahang tinulak ng mas malapit sakin ang kahon na inilabas niya kanina sa bag niya. 

Ngayon ko lang napansin na kahon pala ito ng sapatos. Hindi ko kasi masyadong naanigan kanina kasi parang pilit tinatakpn ito ng braso niya kahit kitang-kita ko naman sa paanan ko. 

"Para sa'yo iyan. Pinabili ko kanina sa kapatid ko." ani niya. 

It was so unusual to see him looking away. His arms flexed after folding his arms together. Para saan ba itong binibigay niya? Does he think I'll accept this especially coming from him? 

"Aalis na ako, may gagawin pa ako…"  sabi ko at nakita ko siyang pumikit nga marahan bago ako tuluyang umalis sa kaniyang harapan. 

Buong maghapon, my thoughts were occupied. Hindi ko nagagawang maayos ang mga natitira kong trabaho. Pinilit kong balewalain ang mga ginawa niya kanina. Mula sa pag tulong sakin sa paglinis ng room na iyon at sa pagiging ganon ang trato niya sakin. Nakausap ko kanina si Evette bago umalis ng University tungkol sa pag-assign doon ni Lucas sa room. 

"I haven't heard about anyone telling him to go help you and clean the room. Iba kasi ang pinagawa ko sakaniya." ani ni Evette. 

Judging from what she said, Lucas must've voluntarily go there and clean up. Pero bakit? Dahil ba talaga sa nakokonsensiya na naman siya sa ginawa sakin kanina o sadyang gusto niya lang ulit ako pag tripan na ngayon ay tambak tambak ako sa kakaisip sa inaasta niya kanina? 

He's obviously trying to get in my nerves. 


Thoughts of possible things between him made me forget na kausap ko pala si Mama. I came back to my senses. 

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon