KABANATA 16

57 42 0
                                    

Kabanata 16: Weirdo

We're in an open field right now. Nakaupo kaming dalawa sa isang bench, pinagitnaan namin ang pagkain na nakahanda na dito. Maybe he planned this all along. 

Binigyan niya ako ng isang mukhang bento box. Ngumiti ako ng tinanggap ito. 

"Salamat" 

Binuksan ko kaagad ang lunch box, madaming putahe ang nakalagay. Talagang nag mukhang bento box ito, yung sa ano. Japanese style. 

"Gawa mo ba ito?" agaran kong tanong sakaniya. Tumingin siya sakin at kinuha ang spoon at fork. 

"Ahh, hindi. Pinaluto ko yan kay mommy. Sabi niya sana magustuhan mo raw." ani niya at binalik ang tuon sa kaniyang lunch box. Sumubo ito, at tila kumislap ang mga mata nito ng natikman ang pagkain.

Sumubo ako ng kanin kasabay ang rolled omelette. Kakapasok palang sa bibig ko ay lasang lasa ko na ang saktong alat ng omelette. Ang sarap. Hindi ko madedeny na magaling magluto ang mommy niya. 

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng bigla niyang pinunasan ang bibig ko. 

"Ah, ako na." kinuha ko ang tissue na hawak niya at pinunasan ang sarili ko. Nahihiya kong pahid sa may labi ko. 

"Gusto mo ba, sa susunod ulit?" tanong niya. Anong ibig niyang sabihin? Sa susunod? 

"Ah okay lang na sa susunod nalang tayo pumunta. Baka may gagawin ka rin mamaya. Magpapasama nalang ako kay Evette." mahina siyang tumawa. Bakit natatawa siya? Nilingon ko ang paligid kong may nakikita siyang nakakatawa na hindi ko nakikita. Pero wala naman. 

" Ibig kong sabihin, let's do this more often. Us, having lunch together. " I feel something different everytime he mentions that word 'us'. Iba kasi pag galing sakaniya. Hindi ko alam kong may ibang meaning pa ba yan o ano. I felt my cheeks turn warmer. 

Tinakpan ko ang mukha ko para hindi niya makita. I think I'm blushing. Nakakahiya ka talaga, Brie. Lumapit siya sakin at biglang hinawakan ang braso ko. 

"Briella, did I say something wrong?" ani niya at pilit tinanggal ang braso ko na nakatakip sa mukha ko. A peep from my hands, I can see him examining me closely with those concern eyes of his. 

Nang naging kalma na ako ay tinanggal ko na ang pagkatakip. 

" Wala lang, nakakasilaw kasi yung init dito." sabay takip sa ibabaw ng ulo ko mula sa liwanag ng init. 

"Sana sinabihan mo ako, ng makalipat tayo ng puwesto." 

"Hindi, okay lang" 

"Hindi, we need to find a shade. It's getting hotter." ani niya. Tumingin tingin siya sa paligid para paglipatan natin. I wandered my eyes in this field. But one person caught my eyes. 

He's standing straight while looking our way. I focused my eyes on what his holding. Mukhang maliit na bag ito. Sa nakikita ko, parang si Lucas. Nakatayo siya mula sa malayo, beside the bleachers. What's he doing here? 

Parang napansin niya na nakatingin na ako sa paanan niya, he just suddenly walked away. 

Weirdo. 

"Briella, nasagutan mo na ba yung survey ni Prof. Lin?" tanong sakin ni Aira habang may sinusulat siya sa notebook niya. She and Mia looks really busy nowadays. 

"Hindi pa eh, baka mamayang gabi." tumingin ulit ako sa white board sa harap at take notes ulit. Last subject na namin ito at kakaalis lang ng professor namin. 

"Sabay tayong umuwi mamaya, pupunta kami sa inyo." masayang ani ni Aira na lumingon sakin saglit at binalik naman ulit ang pokus sa pagsusulat. Hindi na ako sumagot ulit at tinapos na itong sinulat namin. Konti nalang kaming natira dito, may iba na nauna ng umuwi. May pinagaabalahan pa yata. 

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon