KABANATA 7

170 65 7
                                    

Kabanata 7 : Closure

Nandito kami ngayon sa school grounds park. Sa ilalim ng isang malaking puno. Naglatag kami ng blanket at dito namin napagisipan kumain ng lunch. 

Nakapagbihis na ako ng bagong set ng uniform. Plano talaga ito ni Claude na dito kumain. Nakapasok kaagad siya dito kanina. Hindi ko nga alam paano, eh, strict pa naman ang guard dito. At nilagay pa niya talaga ang kotse niya sa parking lot namin. Pumasok siya kanina sa building namin at doon sa mismong restroom niya kami pinuntahan. Hindi ko alam bakit kabisado niya na dito na hindi ko pa naman siya nadala dito sa University. Sabi niya kanina instinct niya lang daw. Sa dinami daming building at restroom dito bakit alam niya saan kami. 

"Sorry, I wasn't listening. Anong sinabi mo Claude?" I just spaced out while eating. Naka dekwatro kaming apat dito. Nag kwentuhan sila na para bang hindi sila nag kita nong isang araw. 

"I asked you, sino ba nantri-trip sa kapatid ko?" he repeated his question awhile ago. Claude was just observing me eating my food. Sumubo ako and looked at him again. 

"Just someone from the students. It was just merely an accident. That's all." I shrugged while saying it. Naubos ko na ang pagkain ko. Panay kain parin sila. 

"Nga pala, Claude. Ang lakas ng dating mo dito kanina, ano. Parang sanay ka na." chismosa talaga itong si Aira. 

"Well, I've been to this school once. Actually, iyong building niyo ang naging first project ko as licensed engineer. Kaya saulo ko ang daan patungo doon." My brother bragged about it. Lumalaki ang butas ng ilong mo, dong. 

Napanganga kami sa gulat. Hindi ko rin in-expect na iyong building namin ang unang project niya. Nakakamangha din minsan itong kapatid ko kahit na masyadong mahangin. 

Good thing, Aira diverted the topic. Gets narin nila na iniiwasan ko na pag usapan ang nangyari kanina. 

"If you did, how many floors and rooms in each floor in our building?" Parang nanghahamon si Mia sa sinabi ni Claude. Sige nga, kung siya nga dapat alam niya. 

"ABM Building has five floors, and 5 rooms for each floors. I designed the stairs both side and at the center of the building for more accessibility for students and prevent crowding. Each floor has two restrooms and one storage rooms. Any questions, Lady Mia?" 

He literally know everything about our building. I'm shocked. Okay for now, kapatid ko siya. Nakakamangha kasi. Pumalakpak si Aira sa nalaman namin. Mia, was just directly eating her food again at para matapos na siya. She just smirked kanina sa mga sinasabi ni Claude. 

Ngiting tagumpay naman ang kapatid ko. At natapos kaming lahat kumain ng lunch namin. Nagpaalam na si Claude. He even asked my permission if he can wash my uniform for me. Really? Maganda talaga ang dulot ng tanong kanina ni Mia. Napahamon siya tuloy.  And I didn't refuse his offer. Para naman may pag abalahan siya sa bahay. 

Pabalik na kami ng room ng nakasalubong namin si Ms. Sundelle. Papunta rin siya ng building namin para kamustahin daw ako at ang kapatid niya. 

"I have spare girl's unform in my office, Briella. I can take you there to change." she just wants to help kasi alam niyang kasalanan ito ng kapatid niya. She gave me a sincere apology in behalf of his brother. 

"Huwag na po, Ms. Sundelle. Nakapagpalit na ho ako kanina. Dinalhan ako ng extra ng brother ko." napangiti ako sa sinabi ko. I rejected her offer but I want it in a good manner. Sabay kaming naglalakad patungo sa building namin. Tahimik lang din ang mga kasama ko sa akong gilid. At nakikisabay sa lakad namin. 

" Mia, I heard you're doing well in your class." nilingon ni Ms. Sundelle si Mia. 

Napaangat ang tingin ni Mia. She just awkwardly smiled at her. "Thank you po. Ginagawa ko lang ang kailangan." at yumuko ng kaunti ang ulo ni Mia bilang pasasalamat. 

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon