KABANATA 18: New
Tinutulak ko ngayon ang push cart. Hinati kasi namin ni Evette ang listahan, para tuwing may madadaraanan kaming nasa listahan kami na mismo kukuha. Siya naman ay nakahawak lang sa unahan na siyang nasa gilid ng cart.
Kinukuha ko na ang kakailanganin sa mga aisle na nadadaanan namin. Siya naman, panay basa sa listahan.
"Which one would you prefer?," tanong niya sakin sa dalawang brand ng coffee na pinakita niya sakin.
"I'd prefer that one. Hindi masyadong matapang." tinuro ko ang kape na hawak niya sa kaliwa.
Patuloy lang kami sa pagsuri at paghanap sa bawat aisle. Napunta kami sa spices na aisle ay may pilit na inabot si Evette. Hindi ko rin siya matulongan kasi pareha lang naman kami katangkad.
Naghanap ako ng trabahante dito na maaring umabot.
"Teka lang, tatawag ako ng saleslady."
Aalis na sana ako nang biglang may nahulog at gumulong papunta sa sapatos ko. Akala ko babasagin ang lalagyan, iyon pala plastic. Buti nalang. Aabutin ko na sana ang garlic powder pero naunahan ako ni Evette.
"Your shoes looks new," komento niya at saglit na tumingin sa sapatos ko habang nilalagay ang garlic powder sa cart.
"Ah, oo, eh. Ngayon ko lang ito nasuot," pag-iwas ko ng tingin. Hindi ko alam kung bakit umiiwas ako. Hindi naman siguro niya malalaman na galing ito kay Lucas.
Sinimulan ko ang pagtulak ulit ng cart. "Sa kabilang aisle naman tayo," pag-imbita ko. Nauna ako sakaniya ng ilang pulgada at nagsalita siya muli.
"You know what? Parang pamilyar sakin ang sapatos mo. Noong nakaraang Linggo kasi inutusan ako ni Miss Sundelle na bumili ng sapatos," What?! Inutusan siya? Hindi kaya ito talaga ang binili niya nung panahon na iyon?
"Oo nga!.. Kahawig ng design na napili ni Miss Sundelle na pinakita sakin," clarifying that these are the shoes that she bought for Miss Sundelle na siya namang napag-utusan ni Lucas. Wala na akong magawa kundi ang sabihin sakaniya. Masyado kasing halata, lalo naman naalala niya ang disenyo nito.
"Bigay ito ni Lucas noong nakaraang Linggo," mahina kong sabi. With what I said, I saw her face changed expression. Naku! Baka ano-ano nalang ang isipin ng babaeng ito. Hindi na siya nag salita ulit at patuloy sa kulang na nasa lista namin.
Nabili naman lahat sa listahan at pabalik na kami ngayon sa Campus. Hindi na umimik pa ulit si Evette pagkatapos ng huli naming napagusapan. Hindi narin ako nakipag-usap ulit sakaniya. There's no need for it though. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ako umasta na para bang nahihiya. Ano ba yan!
Tawanan lang ang bumuo ng room na ito. Yung ibang lalake na taga student council nagluluto ng meat sa isang electric grill pan. Kuha ng kuha lang ako tapos nilalagay sa plato ko. Iyong iba naman nag-uusap habang kumakain. Dahil malaki laki na ang space nitong room na ito ay hinati sa dalawa kung saan sa kaliwa higaan naming mga babae tapos sa kabila naman para sa mga lalake. Hindi naman kami gaano kadami, sakto lang para mag kasya kami dito.
Sa kalagitnaan ng pagmasid ng tao sa paligid ko, nahagilap ng mata ko si Ayven na nakipag usap na mukhang kaklase niya. Natigilan rin siya sa pakikipag-usap nito at lumingon sakin. I was caught on guard. Simple niya lang akong nginitian at nagpaalam sa kausap niya. Patungo siya sa puwesto ko. Hindi ako nagkakamali at talagang dekwatro siyang umupo kagaya ko sa tabi. Ngayon ko lang din napagtanto na ako lang pala ang nag iisa. Walang katabi at kausap.
BINABASA MO ANG
Akala
Teen FictionBriella Louies Enriquez is always exposed to a new environment also including with new people. Her family is always on the move due to her mother's job. Sa taon na ito she'll be transferring to a University with no friends or anyone familiar to her...