*Gianna's POV*
"Di ka talaga marunong humalik." bulong ni Nathan sa akin bago ako binitawan.
What the actual heck? Ako na yung hinalikan ng puwersahan, ako pa yung hindi marunong humalik? Lokohan ba to? Is he freaking serious? Like, freaking serious? Because, good gosh, I can feel irritation building up on me that I wasn’t able to stop myself from punching this stupid, mean idiot. Yes, I punched him. Yung uppercut! Kaya ayun. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Napahinto nga lahat and natahimik. Pinapanood lang kami.
Nathan smirked. Yung nakakaloko. "Hala ka, ugly stick. Lagot ka sa girlfriend ko."
Uhh…What? "Huh? Anong lagot ako sa girlfriend mo? Lagot ka kay lolo! Isusumbong ko lahat ng kalokohan mo! Bahala ka sa buhay mo!" I snapped at him then pulled Ashley off the dance floor.
Nakakainis! I’m so mad! I am so freaking mad! Nawawala ang etiquette ko dahil sa lalaking yun! Lagot sya kay lolo!
"Uy bakla. Anong nangyari dun?" tanong ni Ashley pagkaupo namin sa pwesto namin. He’s obviously confused. "Ba’t ba hinalikan ka nung lalaking yun?"
"What?! May humalik kay Gianna? Sino?" gulat na sabi ni Aaron tapos tumayo bigla. Tinamaan pa si Denice. "Sino yung lokong yun?! Resbakan natin! Hoy, Ashley! Magpakalalaki ka muna at samahan mo akong resbakan yun!"
"Oi Aaron! Anong magpakalalaki?! Babae aketch! Anebe!" bulyaw ni Ashley. Despite of the adrenaline rushing in my veins because of irritation, I couldn’t help but laugh at them.
"OA lang Aaron?" hinila ko si Aaron paupo sa upuan nya. "Stay still and let me talk."
Nanahimik naman sila pero kinailangan kong lakasan ang boses ko kasi maingay sa loob ng bar. "Yung humalik sa akin, si Nathan yun. Sya yun--"
"Nathan?" Denice interrupted, looking scandalized. "Yung pinsan mo? Ba't ka naman hahalikan nun? Pinsan ka nga di ba?"
Napakamot ako ng ulo. "Patapusin naman kasi ako."
"Dali na bakla!" sabi Ashley. I rolled my eyes.
"Hindi ko sya talaga cousin. Ano. We just introduced ourselves us cousins. Wait, no. Ako lang nag-introduce na cousin ko sya because you guys have no idea how much I was bullied before because everyone thought na may something kami. Actually, si dad kasi, ninong si lolo. Eh alam nyo naman nangyari sa family namin kaya napunta ako kina lolo. So ayun, we ended up together and I told our classmates na pinsan ko sya so they would stop bugging me because of little things like, going to school together and such." I continued. "Tapos, dahil sa gusto kong magpakalayo-layo sa nakakainis na handsome idiot na yun, inaccept ko yung offer ni lolo na pakasalan si Nathan."
BINABASA MO ANG
Shut Up and Marry Me! (Complete)
HumorAll Rights Reserved. ©SweetReverie "Ugly stick!" yan ang laging tawag ni Nathan kay Gianna. So... TELL ME, PANO NYA PAPAKASALAN ANG LALAKING KAY PANGIT NG UGALI?!?! EH ANO NGAYON KUNG GWAPO SI NATHAN!? ANG PANGIT NAMAN NG UGALI! Kaya lang pag di nya...