Chapter 5:

5.2K 101 5
                                    



So, another note ulit from the author. Hihihihi. Tamad po akong mag edit kaya sorry talaga sa typos, grammar, mali-maling POV's and etc. You can pm me or mag comment kayo kung gusto niyong may i-edit ako na chapter. SO that's all thanks.


. . .


Clarisse's POV


Nasa sofa kami ngayon ng anak kong si Crystal at nakaakbay ako sa kanya.


"Where is she? Miss ko na si ate, Mom. Uuwi na po ba siya? Nahanap na po ba siya?", tanong ng bunsong anak ko na naiiyak na naman. Hinagod ko ang likod niya.


"Shhhh. Don't cry, little girl. Uuwi rin yung babaeng yun baka wala na yung pera. So please, don't cry.", Niyakap ko nalang si Crystal, kitang-kita ko nga ang pangungulilala niya sa nag-iisa niyang ate. Sana naman ligtas si Catherine, ang anak ko. May biglang kumatok sa pintuan.


"Mom, sino yun?", tanong ni Crystal sabay tingin sakin. Pinunasan niya kagad ang luha niya.


Ngumiti ako. "Bubuksan ko lang ng makilala natin, just stay there, okay?", sabi ko. Tumango naman kagad siya.


"Okay Mom.", sabi niya at ngumiti.

"Coming.", sabi ko at binuksan ko ang pinto at nagbigla ako sa mukhang bumulaga sakin. Napatakip ako sa bibig ko.


"Mom, I'm back.", sabi niya at ngumiti ng tipid. Napatakip ako ng bibig. Niyakap niya ako and I hug her back.


"Ate!", sigaw ni Crystal sabay takbo patungo sa ate niya at niyakap. "Ate! I miss you, ate.", dugtong niya kaya napatawa si Catherine sa inasal ng kapatid niyang babae.


"Sino ba ang nandyan--- Catherine?!", hindi na natapos ni Kyle ang sasabihin niya ng makita niya si Catherine na yakap yakap pa rin ang bunso.


"Daddy.", sabi ni Catherine. Lumapit kagad si Kyle sa anak niya at niyakap niya si Catherine. Napangiti na lang ako sa kanilang mag ama.


"Catherine, wag na wag muna ulit yun gagawin. Ikaw na bata ka! Saan ka ba galing at nag layas ka?", tanong niya kagad. Napakamot na lang si Catherine


"O-opo Dad. P-pwede po bang luwagan niyo yung pagkakayakap sakin kasi parang m-mamatay yata ako n-ngayon e-eh.", kumalas kagad si Kyle kaya natawa ako.


"Ah! S-sorry, anak. Namiss ko lang ang masungit kong Princesa.", sabi ni Kyle sabay akbay sa anak niya.


"Tssss. Still not changing.", sabi ni Catherine at napa rolled eyes siya.


"Ate namiss talaga kita!!", sabi ni Crystal na nakangiting pang aso. Ngumiti na lang si Catherine at natawa.


Hinigpitan lalo ni Crystal ang pagyakap sa ate niya. "Tsssss ..hindi na ako makahinga bunso!", sabi ni Catherine. Kumalas kagad si Crystal at natawa.

The Sexy Gangster (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon