Chapter 28:What if?

1.7K 37 0
                                    

Chapter 28: What if?

"Sometimes we don't realize that we loved that person."

Kasalukuyang naglalakad kami ni Celine ngayon dito sa mall. At pagod na pagod na ako. TO BE HONEST! "Celine, upo muna tayo. Pagod na ako!", sabi ko at umupo kaagad sa isang bench sa gilid. Lumakad siya palapit sa akin na nakapameywang.

"Catherine! Hanubayan! Kakapasok pa lang natin dito sa mall, pagod ka na kaagad? Hindi pa nga tayo nakakapag shopping!" -Celine.

"Celine, galing tayo ng parking lot. At ang layo ng parking lot!" -Ako.

"Grabe ka ah!", sabi niya at umupo sa tabi ko. "Malayo nga ang parking lot pero grabe ka ah? Napagod ka talaga eh ang bagal mong maglakad!"

"Tss. I hate you!" -Ako.

"Really? You hate me? Tss, malabong maging hate mo ako. Kasi palagi mo akong kasama at sinasabihan ng mga crush mo at problema mo no!", she said as she rolled her eyes. Ang cute niya! Hindi ko mapigilan ang sarili ko, I pinched her nose. Tiningnan niya ako. Pero bago pa siya makapagsalita may tatlong lalaki nang nakatayo sa harapan namin na ikinagulat namin. Bat palagi ko na lang siyang nakikita, stalker na ba siya ngayon?

"Bat kayo lang dalawa? Asan ang yakonja mo, Catherine?", may diin ang pagkakasabi niya sa 'yakonja'. Pake niya ba kung wala si Madara dito? At tsaka busy yung nilalang nayun and besides lalaki yun alangan namang isama ko yun magshopping baka mamatay pa yun dito sa gitna ng mall.

"None of your bussiness.", sabi ko at tumayo kaagad pero hinawakan niya ang kamay ko at napalingon ako sa kanya at sinimangutan ko siya. Natawa siya sakin, maybe because of my facial expression.

"Alam mo Drew.", kinuha kaagad ni Celine ang kamay ko na hawak ni Drew. "Stop following her, nagiging stalker ka na! At tsaka sayang ang kagwapuhan mo kong palagi ka na lang nakasunod dito sa bruhang to!", sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama pero nagpeace sign lang siya sakin.

Tiningnan ko bigla si Dave at nakatingin siya kay Celine. Pero nung napansin niya na nakatingin ako sa kanya ay umiwas kaagad siya ng tingin at nginitian ang mga babae na nasa gilid namin. Eto si Celine kahit halatang may gusto sa kanya si Dave eh binabalewala niya lang kasi mahal niya pa din si Drew. Since childhood si Drew na talaga ang gusto niya, childhood friends kami. Naikwento ni Celine sa akin ang ibang details nung bata pa kami kasi hindi ko na maalala. Remember guys nagka amnesi ako nung masagasaan ako.

The Sexy Gangster (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon