Chapter 32: She's leaving
Lightning's POV
"KEAN!", sigaw nitong si Snow at ni Ice kaya lumingon ako sa kanila. Tumigil sila sa harapan ko at hinihingal, napagod yata kakatakbo.
"What?", tanong ko at ibinalik ko sa laptop ko ang mga mata ko. I'm sure nonsense ang sasabihin nila sakin ngayon. "If nonsense nanaman yan, then you can leave. I'm busy right now.", sabi ko habang nag search pa rin ng website na pwede kong I-hack.
"Hindi to nonsense oy! Tumayo ka na jan kasi nakita nmin kanina si Catherine sa mall.", napatingin ako bigla sa kanila. Nung na gets nila na hindi ako maniniwala. "Eto picture niya kanina oh!", sabi ni Ice.
"At narinig kong may kausap siya sa cellphone niya na aalis raw sila ngayon. Nasa ibang bansa raw sila magpapakasal.", nabigla ako nung narinig ko ang kasal. Kasal? Buntis ba siya?
"Bat hindi niyo siya nilapitan?", sigaw ko sa kanila. Tong dalawang to walang ibang ginawa kong di ang lumandi.
"Eh sa ang bilis niyang nawala eh. At tsaka ang raming tao ngayon sa mall, Kean.", sabi ni Snow and she even rolled her eyes. Kung hindi lang sana to babae sus kanina ko pa to sinuntok eh!
"Tara punta na tayo sa airport. Baka hindi natin siya maabutan.", sabi ko habang nagpapanic na. Sinapok ako ni Snow sa ulo at napa aray ako.
"Kalma lang, okay?", sabi niya at kalmadong-kalmado pa ang mukha. "Kasi ako dapat ang nagpapanic ngayon! Waaaaaaaaaaaa! Tara na!!", sabi niya at tumakbo palabas ng BR room. Napailing ako. Bipolar na babae.
Tumakbo na rin ako paalis at kasabay kung tumakbo ngayon si Ice. Nung nasa parking lot na kami wala na ang kotse ni Snow siguro nakaalis nayung isang yun kaya sumakay na ako sa kotse at pinaharurot to.
. . .
Drew's POV
"Pre, aalis si Catherine ngayon!", sigaw ni Dave sakin. "Tara na. Bumangon ka na jan sa kama mo oy! Mabuti naman at wala ng bra na naiiwan dito.", dugtong niya. Napaupo kagad ako, ano? Aalis siya ngayon? Sh*t! Tumayo kagad ako at naligo kagad ako.
"Sh*t! Saan daw siya pupunta? At sino ang kasama niya?", sabi ko at pumasok kagad sa kotse. Si Dave ang nagdrive.
"Hindi ko alam. Ang alam ko lang talaga ay magkasama sila ni Madara, at ikakasal sila, remember?", sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Sexy Gangster (EDITING)
Romance[COMPLETE] (Formerly known as 'A Good Girl turns into Gangster's Princess) Sa likod ng babaeng simple at kalmado. Is the girl you don't want to mess up.