MANHID: Chapter 3

1.4K 21 16
                                    

Manhid

©supladongtorpe09

O bakit parang umiiyak ka Kathrine?

May problema ka ba? Sabihin mo lang kung pinaiyak ka ni Enzo at ngayon din ay patutumbahib ko siya sa harap mo.

Hindi Ef..

Hahaha.. Joke lang yun. Hahaha. Di ko yun magagawa sa bestfriend ko. sabay akbay sa akin.

Bakit ka nga pala umiiyak ha?

May masakit ba sa'yo?

Ah napu.. napuwing lang ako Efren. Bigla kasing lumakas anv hangin kanina.

Ganun ba. Okay. O Enzo saan ka pupunta. Di pa tayo naglalunch ah.Akala ko ba sabay tayonv tatlo?

Hindi na Efren. Hindi ako makakasabay sa inyo ngayon. Nagtext si Nanay. Dumating daw si Tita eh may konting pasalubong kaya dun na lang daw ako kakain sa bahay.

Aii daya mo talaga oh. Sige. Next time ha?

Walang imik akong lumabas ng canteen at iniwan silang dalawa. Hindi na ako lumingon pa. Ayaw ko kasing makita ang mahal ko na kasama ang ibang tao lalo na ang bestfriend ko. Iisa lang ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako.

Habang naglalakad papalayo pilit na bumabalik sa isip ko yung mga sinabi sa akin ni Kathrine. Bakit ayaw nya akong umibig sa iba? Bakit Kathrine? Mahal din kaya niya ako? Yung mga titig nya at yung higpit ng pagkakahawak nya sa mga kamay ko? Tama kaya ang kutob kong pagmamahal ang ibig sabihin nun?

Hanggang sa dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko.

Masaya sila. Magkahawak kamay habang tumatakbo sa ilalim ng mga patak ng ulan papalapit sa akin.

Masigla nila akong nilapitan at sa mga salitang binitiwan ni Efren ay halos gumuho ang aking mundo.

"MARAMING SALAMAT ENZO! KAMI NA NI KATHRINE!"

Halos manlata ako sa sinabi nyang yun. Gusto kong maluha pero ayokong ipahalata sa kanila ang nararamdaman ko. Ayaw kong ipakita sa kanila na nasasktN ako. Lalong lalo na kay Kathrine.

Ta..Ta.. Talaga? Ayus yan! Ma.. masaya ako para sa inyo.. nabubulol kong sabi.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na sila. Habang tumatakbo sila papalayo ay napapansin kong lumingon sa akin si Kathrine at binigyan ako ng mapait na ngiti.

Masakit malaman na hindi ikaw ang mahal ng taong mahal mo. Pero wala nang mas sasakit pa kapag ikaw ang naging daan para maging sila. Masakit di ba?

Pero okay lang. Kakayanin ko para sa kanila. Para sa bestfriends ko.

Bumalik naman ako sa earth este reality nang batukan ako ni Ian.

Aray! Sakit nun ha.

Eh kasi pare mungaw ka na naman. Malalim na naman ang iniisip mo. Saan ka nakarating ha? Baka maloko ka sa ginagawa mong yan ha. Sayang ang lahi natin pag nagkaganun.

Shit Ian naman o. Nakakasakit ka na ah.

Eh kung hindi ko ginawa yun baka po maabutan po tayo ni Sir. 3 minutes na lang po at magtatime na.  Tandaan mo. Terror yun. Bilisan mo. Bakit ba kasi tayo pumasok sa room na ito. Sa kabila pa tayo. Tingnan mo pinagtitinginan na tayo nung mga babae sa likod.

Hi Enzo. Hi Ian!

Hi din!. tugon ni Ian sa mga babaeng sa tingin ko'y patay na patay sa amin..

So.. Sorry Ian. Akala ko kasi dito na tayo.

Sus palusot ka pa eh. Ayaw mo lang namang makita yung dalawa eh. Alam ko na yan. Kilala kita Enzo.

Sus.. Sari sari naman ang pinagsasasabi mo. Tar na!

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon