MANHID: CHAPTER 12

709 12 7
                                    

MANHID: CHAPTER 12

Supladongtorpe09

MAHAL NA MAHAL KITA KATHRINE…

Higit pa sa kaibigan.

Sana may lakas ako ng loob na patunayan yun sa’yo.

Sana hindi ako nagpakaduwag at  nagpakatorpe.

Sana mabigyan tayo ng pagkakataong maging Masaya.

Yung tayong dalawa lang… Kahit masakit, palihim kitang mamahalin kahit may mahal ka na.

Iba ang pinili mo pero bakit sinabi mo sa aking huwag akong magmamahal ng iba?

Naguguluhan na ako Kathrine.  Sasabog na ang utak ko sa kakaisip. Nadudurog ang puso ko sa tuwing Masaya kayo’t magkahawak  kamay. Ang kaligayahan nyo ang kalungkutan ko kaya sana, kung mamarapatin mo, ipaparamdam ko pa rin sa’yo kung gaano kita kamahal.

Yes guy with a red handkerchief? May balak ka pa bang magpakilala o hihintayin mo pa ang pasko bago ka tumayo sa kinauupuan mo?

Hala! Si Sir na pala yun! Ako nap ala ang magpapakilala. Huhuhuh. Nadagdagan naman ang tensyon na nararamdaman ko nang biglang humagalpak ang mga kaklase ko at kinantyawan pa ako ni Ian. Tsk naman.. Napahiya na nga pinagtawanan pa ako! Anong klaseng pinsan ba meron ako? Parang abno lang eh. Ahahha.

Bigla naming tumikhim si Efren sa kaliwa ko at tinapik ako sa balikat.

Ikaw na pre! ‘Wag mong painitin ang ulo ni Sir Saavedra.

Ahh Sorry Efren. Sige. Salamat.

Mga sampung hakbang lang ang nagawa ko bago makarating sa unahan at humarap sa mga kaklase ko. Natatawa pa rin si Ian sa akin at ito namang baklitang Martina ay panay ang sundot sa tagiliran niya. Magkasunod lang kasi sila. Ahaha.. Lagot ka ngayon!

Good afternoon guys! Ako si Enzo Delos Santos, 15. Nakatira sa bahay namin.

Ehem! Umaga pa lang ngayon Mr. Delos Santos. At saka seryosohin  mo yung pagpapakilala mo. Wag mamilosopo.

Wooooh!!! Ahahha.. sigaw ng pinsan kong baliw.

Huhuhu.. parang matutunaw na ako sa kinatatayuan ko! Unang araw napahiya n agad ako. Tsk… Lagot ka sakin mamaya Ian. Babatukan kita sa noo.. aahha.

Ah.. sorry po Sir! Natitnese lang po ako. Pakli ko with matching peace sign pa. ^_^

Ahh. Ako yung tipo ng tao na makulit, palakaibigan at parang virus. Kasi sabi ng isang babae sa akin,  nakakahawa daw ako. Yung pagtawa ko raw ay nakakadala at kapag hindi mo napigilang mapatawa sa mga corny kong  jokes eh sasakit talaga ang tiyan mo sa kakatawa.

That’s  why marami akong kaibigan at Mr. Congeniality ako last Foundation Day. Hehheh. Sabin g babaeng iyon na malapit sa akin, hindi raw ako mamomroblema kapag naligaw ako sa isang lugar kasi nga kahit hindi ko kakilala eh nginingitian ko at kinakausap. Ako pa? Eh Mr. Close Up kaya ako nung Grade III ako. Ahhaha

Nagpatuloy lang ako sa pagpapakilala habang umiingay na ang klase dahil na rin siguro sa mga pinagsasasabi ko. Pati si Sir eh napapahawak na rin sa tiyan nya kahit hindi halatang natatawa. Si Efren at Kathrine naman, parang hindi nakikinig, may sariling station eh. Parang sila lang ang nasa roon kasi parang hindi naman nakikinig. Pero napapansin kong paminsang tumitingin si Kathrine sa akin at ngumingiti. Alam nya siguro na siya yung tinutukoy kong babae sa kuwento ko.

Yung babaeng iyon na talagang malapit sa akin, halos sabay kaming lumaki kasi nga magkapitbahay kami at magkaibigan din ang mga magulang namin.

Sabay naming binuo ang mga pangarap namin at nangakong walang iwanan.

Pero ako pala ang sisira ng pangakong iyon nang umalis kami nina Mama at Papa patungong Maynila. Nakipagsapalaran kami nun. Ayaw kong umalis kasi wala nang magpapatahan sa kaniya pero wala akong nagawa. Kaya nga sobrang laki ng pasasalamat ko na mayroon palang pumalit sa akin.

Sina  Efren at Kathrine. Sila ang naging bestfriend ko sa mahabang panahon. Halos sabay na rin kaming nagkaisip. Crush ng bayan si Efren kasi nga napakacool at napakapogi nya.  Sabi nga ni Kathrine, siya ang pinakapogi at pinakapoging pogi sa buong mundo, pero ako naman daw ang pinakaguwapo at pinakamabait na bestfriend sa buong mundo.

Nung sinabi nya yun, nasabi kong lamang na ako kay Efren kasi nga siya pinakapogi lang, eh ako, pinakgwapo. Ahahha..

Nakakatuwang isipin na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, nananatili pa rin kaming magbestfriends. Mayroon mang tampuhan at hindi pagkakaunawaan, nagagawa pa rin naming maging matatag.

Efren, Kathrine, maraming salamat sa inyo! Kinumpleto nyo ang buhay ko.

Sabi nga nila, tayo ang campus hearthrob sa skul at si Kathrine naman ang prinsesa natin.

Pero ngayon, ikaw na ang kaniyang prinsipe kasi nga “kayo” na, at ako, handa akong maging “knight” nyong dalawa para ipagtanggol kayong dalawa sa lahat ng problema niyong dalawa.

Tandaan nyo ‘to, nandito lang ako para sa inyo. Bestfriends!!!

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan sa lahat ng mga sinabi ko. Nawala lahat ng sakit  na dinadala ko sa aking puso lalo na nang napansin kong bigla silang tumayo at nilapitan ako.

Niyakap ako ni Kathrine  at nakangiting sinabi, “Salamat Enzo… Salamat at nariyan ka. Bestfriends pa rin tayong tatlo ha? Walang magbabago.”

Kinuha naman ni Efren ang panyong pula sa bulsa ko at anyong nagpapahid ng luha sa kaniyang mata.

“Huhuhuh.. pare ang drama mo ah! Pang best actor! Hahha.. oo naman. Wlang magbabago sa pagkakaibigan natin. Sorry pare sa mga pagkukulang naming ni Kathrine.”

“Okay lang yun. Basta ba para sa inyo.”

Naluluha-luha naman ang mga kaklase namin sa kanilang kinauupuan na parang nanunuod ng isang teleserye. Ito namang si  Ian, naaasar na nakatingin kay Martin dahil kanina pa hinihingi ang number niya.

Okay class. Job well done. Efren Kathrine and Enzo, you may take  your sit now.

Thank you Sir!

Nakangiti kaming bumalik sa upuan naming habang nakaakbay sa akin si Efren gamit ang kaliwang kamay samantalang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak kay Kathrine.

Hayy.. sa wakas! Natapos na rin ang mga isipin at problema ko tungkol sa aming tatlo.

Tama nga si Sir Saavedra. Simple yet memorable nga ang activity na ‘to.

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon