MANHID: CHAPTER 13

643 13 5
                                    

MANHID: CHAPTER 13

Supladongtorpe09

Lahat ng worries ko about sa friendship naming tatlo nina Efren at Kathrine ay nawala nang dahil sa activity naming kanina.

Hayyy.. Napakagaling talagang adviser ni Sir Saavedra. Hehheh. Tama ngaang bansag sa kanya na crush ng mga estudyanteng babae at bading! Ahahhah..

Nandito kami ngayon ng pinsan kong ugok na si Ian Akihiro Delos Santos Santiago. Hahhah talagan binuo ko ang pangalan niya eh..

Kakainis kasi ang ugok na ito. Sa halip na tulungan ako eh pinagtawanan pa ako kanina. Kaya yun, para hindi na kami magsuntukan este magbatukan eh nagpalibre na lang ako sa kanya. Hehhe. Ayos to!

Makakatipid ako ngayong araw.

Kanina pa siya nakapila sa bilihan ng food pero hindi pa siya bumabalik. Gutom na ang mga alaga kong buwaya sa tiyan eh. Tsk. Bakit ba kasi ang haba haba ng pila.

Maya-maya lang ay masiglang umupo si Martin sa tapat ng table naming ni Ian at kinulit ako nang kinulit tungkol sa pinsan ko.

Hi bebe Enzo, nag-iisa ka lang ba? Nasaan na si bebe Ian ko?

Ha? Ahh yun oh. Bumibili, kanina pa nga yun nakapila eh.

Ganun ba? Ahhh pwede bang humingi ng favor? Kung pwede lang naman. Hihihih.

Sure! Ano ba  yun?

Ahy.. hihihi. Nakakahiya naman. Ahmmm .. alam mo kasi, nalove at first sight ako sa pinsan mo, mahal ko na siya at gusto ko na siyang maging asawa. Hihihi. Pwede mo bang ibigay sa akin ang number niya? Ahihihi..

Yan na! ahahha. Iba talaga ang karisma ng pinsan ko, hindi lang babae ang naaakit, pati bading na rin. Ahhaha. Bulong ko sa sarili ko..

Ah yun lang ba? Sige.. ibibigay ko sa’yo ang number ni Ian sa isang kondisyon.

Hay naku! Kahit isang milyong kundisyon pa yan gagawin ko basta para sa future naming ng bebe Ian ko. Kahit pa ikasawi ko at ikabawas ng beauty ko, gagawin ko basta para sa pinakamamahal kong bebe Ian ko! Tugon ni Martin na para bang nagdedeclamation.

Hahhah. Nakakatawa ka talaga. Simple lang naman, kailangan mo lang akong ilibre lagi ng recess.

Hihihi. Yun lang ba fafa Enzo? Sige ba! Hihihih..

Kailan ba ako magsisimula? Hihihih..

Pede ka nang magstart bukas.

Sige sige! I love you na talaga! Hihihih. Pero mas mahal ko ang bebe Ian ko. O asan na yung number?

Agad kong kinuha ang cp ko sa bag ko at sinearch ang number ng pinsan ko.

Eto o. 09177428***

OMG! Ang bait bait mo talaga fafa Enzo. Thank you very much. Hahahah..

Okay lang yun. Yung recess ko bukas ha?

Oo naman. Sure na sure nay un. Gusto mo sa Mang Inasal pa eh. Hihihih..

Sige..

Maya-maya lang ay napansin kong paparating na si Ian kaya’t pinagmadali kong umalis si Martin dahil siguradonbg maghihinala yun sa ginawa namin ni Martin. Hahha. Lagot ka insan! Ahahha..

O bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nagugutom eh alam  mo ba yun? Pang-aasar ko sa kanya.

Alam ko po yun. Alam kong matakaw ka kaya nagrereklamo na yung mga butiki sa bituka mo.

May sinasabi ka ba?

Ah wala.. sabi ko mas pogi ako sa’yo.

Huy kapal ng mukha mo insane, mas gwapo ako sa’yo. Ahahha..

Sus! Mas cute naman ako sa’yo. Hehheh

Tama na nga. Ahaha. Kumain na lang tayo.

Sabay naming nilantakan ang pizza na inorder ni insan Ian at masayang nagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari kanina. Napapasarap na kami sa pagkain nang dumating sina Kathrine at Efren in a HHWW position.

O Enzo, bakit hindi mo man lang kami sinabihan ni Kathrine na magrirecess ka na? hindi mo kami hinintay eh.

Ah sorry Efren, nagyaya na kasi agad ang PG kong pinsan eh, kaya yun, hindi ko na kayo nasabihan.

Ah ganun ba, ah siya si Ian di ba? Saad ni Kathrine.

Oo ako si Ian, ang pinakaguwapong pinsan ni Enzo.

Ah pagpasensiyahan nyo na ang kakahatan ng pinsan ko ha. Gutom pa kasi yan kaya kung anu-anong masasamang salita ang lumalabas sa bibig. Ahahha..

Huy tumigil ka raw pinsan. Masapak kita diyan eh.  Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh. Di  ba Kathrine?

Ah oo. Tama ka Ian. Ahahha.

Ikaw talaga pinsan. Pati si Kathrine nadamay na sa kasinungalingan mo. Hahha.

Ehem! Wala ba kayong balak na paupuin kami? Sabat ni Efren.

Eh ito kasing si Enzo eh. Na star struck sa kagandahan ni Kathrine. Ahahha..

Ah.. sige, umupo na lang kayo diyan Efren. Tandaan nyo yung sinabi ko kanina ha? Wag nyo na lang pansinin yung mga sinasabi ng pinsan ko.  Saad ko na may halong inis kahit deep inside eh alam kong sinapul ako sa sinabi niya. Hehheh. Wala eh. MAHAL KO SI KATHRINE EH.

Agad naman silang umupo. Inilapag ni Enzo ang bag niya at kinuha ang food nila ni Kathrine. Nagshare sila sa pagkain habang natatawa-tawa naman si pinsan Ian sa facial expression ko. Tsk…

Ah malapit na palang magtime. Ah… Efren, Kathrine, pwede bang mauna na kami ni pinsan Enzo? Kukuha pa kasi ako ng Library card eh.

Ah sige.. una na kayo, tatapusin lang namin ang pagkain.

Hayyy.. kahit pasaway itong pinsan ko may maitutulong din naman pala sa akin. Ahhah. Buti naman at naglakas-loob siyang sabihin yun.

Malapit-lapit lang naman yung library sa canteen kaya hindi na kami nahirapan. Madali ring nakakuha ng Library Card si Ian. 2 minutes na lang at  magtatime na.

Tsk. Parang malilate pa ata kami ah. Physics pa naman ang next subject namin. Sana lang hindi kami pagalitan ni Ms. Mendoza. Matandang dalaga yun na ubod ng sungit. Tsk..

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon