MANHID: CHAPTER 14

620 10 2
                                    

MANHID: CHAPTER 14

Supladongtorpe09

Bilisan mo insane baka malate na tayo! Bulyaw ko sa pinto ng cubicle na pinasukan ni Ian. Nagjingle pa kasi  kami bago pumunta sa room namin. Si Ms. Mendoza kasi ang pinaka terror na teacher dito at marami nang hindi nakagradweyt nang dahil sa kanya.

Pag napag-initan ka nun eh magdasal ka na at magpamisa araw-araw  para makapagmartsa sa graduation.

Oo na. andiyan na po. Mabilis kaming nakalabas ng CR at nagmamadaling tumakbo papunta sa roon namin.

At nang kakaliwa na kami…

ARAY KU PU!!

May nabangga si Ian. Isang teacher… na… kung  hin.. di ako … nagkakamali ay si…

MS. MENDOZA!

Lagot! Katapusan na yata ng mundo!

Babalik na si Ian sa dati nyang skul.

Baka hindi rin ako makagradweyt!

Kamalas-malasan  naman oh. Sa dinami-dami ng mababangga naming si Ms. Mendoza pa?

Lord, patawad po! Sana hindi kami pag-initan ni Miss.

Unti-unting nanlamig ang katawan namin ko, ganun din si Ian na halos mamutla na at matumba sa kinatatayuan niya at bago pa man kami makapagsalita ay bumungad na sa amin ang nanlalaking mga mata ni Ms. Mendoza at namumulang ilong.

Naku patay!

What is the meaning of this Mr. Delos Santos and Mr. Unknown? Hmmmppp..

Ah. Ah.. So.. sorry po Mam. Hindi po naming sinasadya. Nagmamadali  po kasi kami eh. Tugon ko na may halong kaba at takot. Hindi na kasi makapagsalita si Ian eh.

Akala nyo ba palalampasin ko ang ginawa nyong ito? Ha?! Pulutin nyo ang libro ko! Bilis!

Ahh o oo opo!. Sorry po ulit Mam.

Huy Ian tulungan mo ako. Baka lalong magalit sa atin si Mam. Bulong ko kay Ian na hindi pa rin makakibo.

Mabilis naman naming napulot ang lahat ng nahulog na gamit ni Mam at umuusok pa rin ang kaniyang ilong nang iabot namin sa kaniya ang mga gamit nya.

Please see me in the office before lunch. We need to talk. Sabay alis at irap sa amin.

At ano pa ang ginagawa nyo diyan? Pumunta na kayo sa klase nyo. Bilis!

Shet naman Enzo. Paano tayo nito? Lagot! .. mukhang galit nag alit si Mam. At paano tayo pupunta sa room natin eh siya yung teacher natin ngayon?  Putek lang oh.

Ikaw kasi  tumakbo pa eh.

Eh sabi mo magmadali tayo eh. Pano tayo niyan ngayon. Siguradong mapapahiya tayo mamaya kapag nakita tayo ni Mam sa klase nya.

Delikado tayo nito. Tsk.

Bahala na nga! Tara na. bahala na si God kung ano ang mangyari sa atin. @_@

Ilang hakbang na lang ang layo namin sa  room namin at nang nasa tapat na kami ng pinto ay nagtatawag na si  Ms. Mendoza ng mga pangalan.

Mr. Enzo Delos Santos?

Present Mam!

So Star Section ka pala ulit  Mr. Delos Santos pati na rin yang kasama mo.

Ah transferee po siya Mam. Siya po si..

Bakit tinatanong ko  ba?

Makakaupo na kayo.

Ah.. sorry po Mam.

Shit. Talagang galit si Mam sa aming dalawa ni Insan Ian. Tsk.

Nagtatakang mga mukha ang nakita ko nang iangat ko ang aking ulo para tingnan ko ang aking mga kaklase. Tahimik lang silang lahat na pinapakiramdaman ang mga susunod na sasabihin ni Ms. Mendoza.

Ganun din si Efren at Kathrine na parang concern sa aming dalawa ni Ian.

Bespren enzo, anong nangyari? Bakit ang tagal nyo? Akala ko ba nauna na kayo sa amin dito?

Ah kumuha pa kasi ng Library card si Insan Ian kaya kami nalate. Tapos yun, sa pagmamadali namin, nang liliko na kami ni Ian sa corridor eh nabunggo nya si Ms. Mendoza at natapon ang lahat ng dala nito. Kaya yun, galit nagalit sa amin.

Naku! Masamang balita  yan Enzo. Tugon naman  ni Kathrine.

Kinakabahan na nga kami eh. Tapos mamaya kakausapin  pa kami ni Mam bago mag-uwian sa tanghali.

Nagpatuloy lang sa pagtatawag si Mam at mamaya lang…

Mr. Ian Akihiro Santiago.

Mam present po. Nakatayong saad ni Insan saka   lumingon sa akin.

Uh oh.. so transferee ka pala. You may take your sit.

Thank you po. And so.. sorry na rin po sa nangyari kanina. Hindi na  po mauulit Mam.

Mamaya na natin pag-usapan yan.

Sige po.

Muling  lumingon sa akin si Insan at pilit na ngumiti.

Nag-okay sign naman ako sa kanya para kahit papaano ay hindi siya mag-alala.

Kung anuman ang sabihin o ipagawa sa amin ni Mam, sana makaya naming yun. Hayyy..

Natapos na ang subject ni Mam nang hindi naming namamalayan. Nagpalecture lang naman siya about Physics at inorient kami sa mga mangyayari sa subject namin. Nakakaexcite na nakakakaba lalo na  yung research o Science Investigatory Project namin.  Para kasing mahirap.

Nagpaalam na si Mam at napansin kong masama pa  rin ang tingin nya sa amin. Naku bahala na mamaya.

Ui Enzo okay ka lang ba? Para kasing hindi ka mapakali eh.

Okay lang ako Kathrine. Nag-aalala lang ako para mamaya. Baka masuspend kami o makick out sa nagawa naming kay Mam.

Sus! Hindi yun mangyayari bespren. Ako ang bahala sa’yo. Saad ni Bespren Efren.

Oh see? ‘wag ka nang mag-alala. Bestfriend nati nang anak ng may-ari ng school eh. Hehheh.

Shit bakit nga ba hindi ko naisip yun? Siguro naman hindi ganun kabigat ang magiging parusa naming kasi nga bestfriend ko si Efren. Hindi naman nya siguro ako hahayaang mapatalsik sa school eh, pati na rin si Insan Ian.

Si Ian? Ayun! Kinukulit na naman ni Martin. Para tuloy silang lovers kasi naghahabulan sila sa unahan. Este, hinahabol pala siya ni Martinang bading. Ahhaha. Nakakatuwa silang panoorin. Nawawala yung tension na nararamdaman ko. Mukha rin namang nag-eenjoy si Ian sa ginagawa sa kaniya ni Martin kasi yung naiiyamot niyang mukha eh nakatawa na ngayon. Hayyy..

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon