MANHID: CHAPTER 15

566 10 3
                                    

MANHID:  CHAPTER 15

Supladongtorpe09

“You may take your sit!”

Nanginginig ang aming tuhod nang umupo kami sa upuan sa harap ni Ms. Mendoza. Bukod kasi sa nakafull ang aircon eh sinamahan pa ng kaba at takot ang nararamdaman namin. Nasa room kami ni Ms. Mendoza kasi siya ang Academic Coordinator ng school.

Alam kong nasaktan si Mam sa nangyari kanina pero sana’y hindi ganun katindi ang parusang ibibigay niya sa amin ni insan Ian. Kawawa naman ang pinsan ko, kabago-bago sa skul eh mapapahamak agad.  Nakatungo kami ngayon at naghihintay sa mga sasabihin ni Mam.

“Mr.  Delos Santos and Mr. Transferee…  I mean, Mr. Santiago.”

Yes Mam? Sabay naming pakli ni Insan.

“Hmmm… sa tinagal-tagal ko na sa school na ito ay ngayon  ko lang naranasan ang mabunggo ng mga walang ingat na tulad nyo. At hanggang ngayon, masakit pa rin ang tuhod ko nang dahil sa kagagawan nyo. Bakit ba kayo nagmamadali na parang hinahabol kayo ng sampung kabayo? Ha?”

Ah.. sorry po Mam. Alam po naming nagkamali kami. Hindi na po mauulit. Tugon ko na halos nanginginig na ang boses.

Hindi ganun kadali yun Mr. Delos Santos. Kilala mo ako. Hindi ako nadadaan sa pasorry-sorry lang.

“Ah Mam, kung anuman po ang ipapagawa nyo sa amin ay susundin po namin makabawi lang po sa inyo”,  walang gatol na sagot ni Insan.

Okay.. tatapatin ko na kayo. Hindi naman ako galit sa inyo, ang nais ko lang ipunto sa inyo, mag-ingat kayo sa mga ikinikilos nyo. You’re in my Physics class right?

Yes Mam! Mabilis na nagtataka naming sagot.

Okay. Ito ang gusto kong gawin nyo.  5 minutes before recess, abangan nyo ako sa harap ng office ko at kayo ang magbibitbit ng mga dala ko.

Okay po Mam! Wala pong problema.

Hindi lang yun, kapag Physics na, si Ian ang magiging board member ko.

Mam, ano po yung board member?

Nagpapatawa ka ba Mr. Santiago? Hindi mo alam yun? Hmmpp.. Ikaw na Mr. Delos Santos ang magpaliwanag.

Hahahha. Insan, Board member, as in tagabura ka ng board. Ahhaha

Sus! Akala ko naman kung ano na Mam. Okay lang po yun. No problem sakin yun.

Eh ako po Mam, ano po ang gagawin ko?

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon