MANHID:Chapter 4

1.2K 25 19
                                    


Hindi nga nagkamali si Ian sa sinabi niya.  Magkakaklase nga kaming apat.

Nauna na siyang pumasok. Wala talagang hiya ang loko. Umaapaw ang confidence sa katawan.

Mabilis naman siyang nakaupo sa tulong na rin ng mga babae naming kaklase na sa tingin ko'y na love at first sight na sa kanya.

Napuno rin ng tilian ang room namin kasi nga may bagong mumha tapos tulad ko pang kamukha ni Mario Maurer. Kami na ang gwapo! ahaha.

Iginala ko ang aking paningin. Halos kami pa rin pala ang magkaklase last year Star section kasi kami which means lahat ng magagaling sa batch namin ay nasa section namin.

Puo na sa row 1. Wala na ring bakante sa row 2. Yes! buti naman at may bakante pa sa pinakadulo ng row 3. By 3's kasi bawat row at nang kilalanin ko kung sino ang dalawang nauna...

Ho...ly SSshit!!!

Totoo ba ito?

Ganito ba talaga kalupit ang tadhana  sa akin? Lord bakit!!!

Sila yun eh. Sila!! Yung dalawa kong bestfriends na naging lovers.

Shit naman! Nananadya na yata ang tadhana eh!

Alam naman niyang ilag na ilag ako.sa dalawang ito sa kanila pa ako itatabi.

Yeah... Rock n roll tayo! Puchi lang mamen!!

This is gonna be the worst year ever.. Hayyyy...

No choice. Manhid manhidan na naman pag may time. Kunwari wala akong nararamdamang sakit kapag kaharap sila. Ako pa! Sanay na ako eh.

Lakas loob akong humarap sa kanila at pilit na ngumiti sabay...

Hi bestfriends!! Kamusta kayo...Kathrine at Efren??

Saglit na nagpause ang pagrotate ng mundo ko habang naghihintay ako sa response  nila.

Tiningnan naman nila ako. Kaso nga lang nakakunot noo si Efren at ang usual na ginagawa ni Kathrine, mapait na ngiti pa rin ang iginanti nya sa akin.

Ano ba yun? Bakit ba kasi ganito yung pinapakita nila sa akin? Maawa naman sila. MamamatY na ako sa kakaisip. Sila yung may relasyon di ba. Eh di dapat sila yung masaya. Pero sa expression nila parang may mBigT silang dahilan. Kung baga sa problemado eh mas problemado sila.

They dont even know what i feel or my feelings for Kathrine so imposible naman na nagseselos sa akin si Efren.

Nakakaasar lng eh. Alam nyo ba yung pakiramdam na ito? Ipagtirik nyo na ako ng kandila... Mukhang maag akong mamamatay sa ganitong sitwasyon eh.

First day of school snob na agad?

Baka buong school year kaning ganito?

Okay kung ganun ang gusto nila ibibiga ko. Magkalimutan na!

So yun. Kunwari ay wala lang sakin yung nangyari. Nakasimangot akong umupo at saka umubob. Ganito pala yung position namin.

Ako...Si Efren...at si Kathrine.

Di na ang awkward?

Katabi ko ang bestfriend/karibal ko sa aking Bestfriend/lihim kong minamahal.

Ayos di ba? Galing talaga!! Whooo!

Kahit nakaubob ako pasimple akong sumisilip sa dalawang nilalang sa tabi ko at muntik na akong mapasipa sa nakita ko.

Boom! Hanggang ngayon ba naman magkaholding hands pa rin sila? Hindi na nanawa sa kamay nila eh. Tsk. Pwede ako naman ang humawak diyan Efren?

Sige na! Bestfriend ko rin naman yan eh at saka mahal na mahal ko rin yan. hahahha. Gusto ko sanang sabihin ang mga salitang yun pero narealize ko na pag-aari na nga pala ni Efren si Kathrine.

Hayyy.. bakit ba nagpapakabitter ako? Hirap naman. Araw araw ko yatang lalagyan ng band aid ang puso ko nito. Ahaha ang korni ko na! Peace mamen!

Masakit lang talaga eh. Try nyo rin para damay damay tayo?

Maya maya lang eh dumating na yi.g teacher namin. Si Sir Red Saavedra.

Crush yan ng mga estudyanteng bading at babae sa school. Ex seminarian pero nagtuturo. Kamukha kasi ni Jun Pyo ng Meteor Garden.

Good Morning Class!

I am Mr. Red Saavedra and I will be your Filipino teacher and adviser this school year.

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon