MANHID: CHAPTER 20

442 9 4
                                    

Manhid: Chapter 20

Umaasa? Manhid?

Iisa lang ang description nun. Capital E-N-Z-O...

Ako yun. hayyyy... Wala eh. Bakit ko nga ba ipipilit ang sarili ko sa bestfriend ko?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na malayo na pala ang distansya ko kay Insan.

Shit. Ang loko kong pinsan nang-iiwan na naman sa ere. Sa sobrang inis ko sa kanya at pinulot ko yung hinog na mangga na nahulog sa tabi ng kalsada at mariing ibinato ko iyon sa kanya. Hindi siya tinamaan nung una pero sinubukan kong muli para mapansin niyang naiiwan na niya ako.

At yun! sa pangalawang pagkakataon ay ...

tinamaan ko na siya..

ah hindi..

Tinamaan ko yung Manong sa ulo kaya't halos maligo siya sa mantsa ng manggang hinog. Tsk Tsk.. malaking problema ito! huhuuh.. Sana mahulugan na lang ulit si manong ng mangga para akalain nyang ganun nga ang nangyari..

Oh Manong, napaano ka po? -Insan

Mga walanghiya kayong mga bata kayo. A... A.. Ang sakit! huhuhuh.. Yu.. yung damit ko, namantsahan na. at.. at .. yung ...

yung make up ko nabura na! huhuhuh... sino ang gomawa neto sa aken? ha? Machuchurva ko kayo makikita nyo!!!

Hahhahha. sa halip ata na matakot ako kay manong eh parang natatawa pa ako. hahhah. Akalain mo yun, pagkalaki-laki ng katawan bading pala! ahahhah. Lafftrip si Manong! hahhah. Nakakagood bives!

Ah manong? Alien ka po ba? Bisaya o Foreigner? Bakit po parang kakaiba yung language nyo? hahhhah. -Ian.

Kiber ka! huhuhu. Ansaket saket na nga ng feslak ko mangchuchurvanes ka pa!

Hahhahha.. nakakatawang pagmasdan  si Insan at saka yung manong.. este manang.

Ah Manong, sorry po, hindi ko po sinasadya, ito po kasing si Insan eh nang-iwan po kaya binato ko po ng hinog na mangga, sorry po, hindi ko po akalaing kayo ang tatamaan.

Huhuhu.. mahuhuli na ako sa bar. Mga bwisets kayo! huhuh. Diyan na nga kayo. lechi!

hahhahha... Nang makaalis si Manong eh tawa lang kami ng tawa. mabuti n lang at walang ibang tao sa lugar na yun, hahhha. nakalimutan ko tuloy yung dinidibdib ko, hahhah.

Nice one manong! you made my day po. Kahit ganun ang pagkatao niyo hindi ko akalaing mapapasaya nyo ako. Life really is unexpected. hahhahh.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad ni Insan hanggang sa makarating na kami sa bahay.

***

Kinabukasan, maaga kaming pumasok ni Insan kasi nga kailangan pa naming makipagkita kay Ms. Mendoza para pagsilbihan siya. Hayyyy. Sana nga lang talaga at maging mabait sa amin si Mam.

Habang naglalakad kami sa  corridor, nakasalubong namin si Sir Saavedra at inutusan nya kaming maglinis ng calssroom since wala pa naman daw naiaassign kung sino ang mga magiging cleaners.

Hindi namin namalayan na nasa likod pala niya si Ms. Mendoza na noo'y mapula na ang ilong dahil siguro sa paghihintay sa amin.

Naku lagot! sino ang susundin namin ni Insan sa kanilang dalawa?

Tsk..

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon