MANHID: CHAPTER 16

594 11 2
                                    

MANHID: CHAPTER 16

Supladongtorpe09

KInakawayan na ako ni Efren  at pinapalipat sa kinatatayuan niya.

Ang kaninag nakatalikod na si Kathrine ay humarap sa akin at matamis na ngumiti.

Ewan ko ba kung anong klaseng puwersa ang nagtulak sa akin para sumunod sa mga ngiting iyon. Sa ilang hakbang lang ay nakalapit na ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan sa gilid nila.

Oh bespren kamusta? Ano ang sabi ni Ms. Mendoza sa inyo ni Ian?

Ayos lang Efren, hindi naman ganun kahirap yung pinapagawa nya sa  amin.

Talaga? Good news yan Enzo. Mabuti na lang at hindi gaanong nagalit sa inyo si Mam. Saad naman ni Kathrine na noo’y napahinto sa pagsubo.

Ahhahha.. Wag na kayong magtaka. Nakausap ko na si Ms. Mendoza bago pa man niya kayo kausapin. Ako pa? ipapahamak ko ba naman ang bestfriend ko? Hehhe

Sus! Sinasabi ko na nga ba eh! May taong nasa likod ng pagiging mabait ni Mam kanina. Yung pinakamasungit at pinakaterror na teacher, biglang bumait sa aming dalawa ni Insan Ian? Ahahha . malaking himala yun!

Hehhe ikaw talaga Efren. Buti na lang at naniwala sa’yo si Mam. Ano ba ang ginawa mo? Tinakot  mo ba siya?

Hahha. Sa akin na lang yun! Baka gayahin nyo pa eh. Hahha..

Maya-maya lang  ay napansin kong nagpapalinga-linga si Insan sa upuan namin. Tinawag ko siya at sinabing lumipat na lang kami sa puwesto nina Efren. Hindi na naman siya nagreklamo pa.

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon