MANHID: CHAPTER 23

289 6 8
                                    

MANHID: CHAPTER 23

After ng  discussion ni Sir, agad na lumabas si Insan Ian. Sinundan sya ni Claire na nagmamadaling lumabas. Halata kong nagulat si Martina kaya naman nagtataka siyang tumigin sa direksyon ko na aktong nagtatanong. Nagkibit balikat na lang ako kaya itinuloy na lang niya ang pagmomodel sa unahan.

Sasali raw kasi siya sa Asia’s Next Top Model. Hahhah. Nakakatuwa lang talaga siyang panoorin. Para rin siyang si Vice Ganda kaso nga lang, mas bagay siyang maging POGAY dahil sa unang tingin, hindi mo naman talaga aakalaing bading sya. Pwera na lang kung nagsalita na at kumendeng.

Samantala, nagulat naman ako nang tapikin ako ni Kathrine at nagtanong.

“Enzo, ano ang tinatawa-tawa mo dyan? Para kang baliw! Hahhah”

“Hhahhah. Wa.. wala. Ito kasing si Martina sinasapian na naman ng baklang tikbalang!”

“Sus! Hindi ka na nasanay diyan. Eh elementary pa lang ganyan na yan eh!” pag-epal este sabat ni Renz.

“Eh mas kilala mo kasi sya. Kelan lang naman kami nagging close eh.:

“Ah Enzo, bakit pala lumabas si Ian at yung transferee? Magkakilala ba sila? – Kathrine

“Hindi mo ba napakinggan kanina? Magkaklase silanng dalawa eh. Ewan ko nga lang kung bakit pareho silang nagtransfer satin pero ang alam ko, pareho silang journalist sa school gazette nila.”

“Ah.. ayos ah! Astig! Pero bakit nga nu? At saka kung makatingin si Ian kay Claire parang may iba eh.” – Renz

“Hahhha. Napansin nyo rin ba?” – ako

“Oo naman! Basta’t ganun yung reaction may something na  yun! Di  ba Fibi?” – Renz

“Yes Kiyi!” – Kathrine

“Eh di kayo na ang may tawagan! Hahhah. Kainggit kayo eh! Kung sa bagay, makakahanap din naman ako ng babaeng mamahalin din ako.”

“Hahhah. Tiwala lang Bestfriend Enzo! Tama ka. Makakahanap ka rin ng tamang babae para sa’yo” – Kathrine

Pagkatapos niyang sabihin ay tinitigan ko siya sa mata. Hindi siya makatingin ng direst sa akin. Naiilang siya. Malungkot yung mga mata niya.

Maya-maya lang…

“Harujusku! Hayur kupu! Manju naman ang bangku na itey! Huhuhuhu… Ang foot ko! Awtsieee!!!

MANHID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon