#RandomThoughts 1

345 15 0
                                    

Bibitaw ako. Bibitaw ako kapag sinabi mong tama na. Bibitaw ako kapag sinabi mong hindi mo na ako kailangan. Pero hanggat wala kang sinasabi, kakapit ako. Kakapit ako kahit wala naman akong kakapitan. Hindi kita iiwan hanggat hindi mo sinasabing lumayo na ako. Nandito lang ako kapag kailangan mo. Hindi ako aalis dahil alam kong masasaktan lang din ako. "Mahal kita" sabi mo. 'Yan ang pinanghahawakan ko. 'Yan ang dahilan kaya kahit nasasaktan ako, nandito pa rin ako. Nananatili sa tabi mo. Nangako rin ako. Nangako na hindi kita iiwan kaya kahit na ganito, kahit na masakit na. Kahit na hindi ko na kaya, pipilitin ko pa rin. Kakayanin ko pa rin. Para sa'yo. Para sa'yo kaya ko, kakayanin ko. Kahit na alam ko namang walang patutunguhan ang lahat ng mga 'to.

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon