#RandomThoughts 15

112 3 0
                                    

Nililipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok habang nakatingin siya sa kalangitan, umaasang may makikitang mga bituin na magkikislapan. Ngunit ang kanyang mga ngiti ay napalitan ng lungkot. Naisip na naman niya ang sinisintang nagbibigay sa kanyang puso ng kirot. Kirot na kanyang iniinda, kirot na hindi na niya alam kung kakayanin niya pa. Sa biglang pagbuhos ng ulan, kasabay non ang pagbuhos ng mga luhang galing sa kanyang mga mata habang iniinda niya ang sakit ng kanyang nadarama. Punong puno ng katanungan ang kanyang isipan kung may pag asa ba, kung kakayanin pa, o kung bibitaw na. Habang nakatayo sa may bintana, nakatingin sa madilim na kalangitan, dinadama ang lamig ng simoy ng hangin at habang pinanunuod ang pag agos ng ulan, hinihiling niya na sana isama na ng agos na iyon ang kanyang nadarama para hindi na siya mahirapan at masaktan pa.

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon