#RandomThoughts 22

80 5 0
                                    

Sa ilalim ng madilim na kalangitan. Sa ilalim ng mga libo libong bituing nagkikislapan. Sa lamig ng hangin na ating nararamdaman. Hawakan mo ang kamay ko at 'wag mo munang bitawan.
Sabay nating damhin ang katahimikan ng paligid, habang hawak ang kamay ng isa't isa. Pakinggan ang musikang tayong dalawa lang ang nakakarinig at simulang sumayaw. Alam ko, alam ng puso ko. Ito na ang ating huling sayaw. Huling sayaw na ating pagsasaluhan dahil pagkatapos nito alam kong tuluyan mo na akong bibitawan. Ilang beses ko na bang hiniling na sana 'wag mo akong bitawan? Ilang beses ko na bang ipinagdasal na sana 'wag mo akong iwan? Pero sa huli, alam ko. Kahit na ilang beses pa akong humiling sa mga bituin, magdasal sa Diyos, alam kong ang lahat ng ito ay magtatapos rin sa salitang "Paalam". Paalam na sana hindi ko na marinig pa. Paalam na sana hindi na mangyari pa. Paalam na sana 'wag mong sabihin dahil alam kong hindi ko makakaya.

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon