#RandomThoughts 23

75 5 0
                                    

Ang tunay na damdamin mong itinatago sa likod ng mapanlinlang na mga tawa at ngiti. Pagod ka na pero hindi ka pwedeng sumuko. Hindi pwede. Hindi pwede kasi para sa kanya, lalaban ka. Para sa kanya gagawin mo ang lahat kahit pagod na pagod ka na. Pero naisip mo ba, naisip mo ba na may patutunguhan ang pakikipaglaban mo? May mapapala ka ba? Lumalaban ka, pero siya lumalaban din ba? Takot kang mawala siya, pero siya takot din bang mawala ka? Mahal na mahal mo siya, pero siya mahal na mahal ka rin ba? Lahat kaya mong gawin para sa kanya, pero siya may nagawa na ba para sa'yo? Mga tanong na paulit ulit pumapasok sa isipan mo. Mga tanong na laging gumugulo. Mga tanong na kailangan ng kasagutan. Mga tanong na mas nadadagdagan.

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon