#RandomThoughts 62

46 3 0
                                    

"Paalam Na"

Bakit hindi mo makita
Sa aking mga mata?
Na mahal pa rin kita
Kahit sobrang sakit na.

Tanga man ako o ano pa,
Wala akong pakialam!
Mahal kita, mahal kita
'Yun lang ang aking alam

Bakit siya pa? Bakit siya pa?
Bakit hindi na lang ako?
Ako na nagmamahal sa'yo
Ng tapat at totoo

Siguro nga'y kasalanan ko
Dahil umasa ako
Umasa ako sa mga sinabi mo
Umasa ako sa mga pangako mo

Bakit nang ako ay mahulog,
Hindi mo ako sinalo?
Hinayaan mo akong mahulog sa iyo.

Pinaasa mo ako sa mga pangako mo
Pangako mong hindi natupad
Dahil ako'y nagawa mong iwan
Iniwan mong nag iisa
Iniwan mong lumuluha

Wala akong nagawa kundi tumahimik at lumuha
Dahil mas mahal mo siya
kaysa sa'kin na iniwan mong parang basura

Ang sakit sakit ng aking nadarama,
Kapag nakikita kong kasama mo siya
Ang saya saya niya sa piling mo aking sinta.
Hindi ako makahinga dahil sobrang sakit na

Siguro nga'y oras na para palayain kita
Palayain ka at hayaang mapunta sa kanya
Pinapangako kong huling luha na ito
Huling luhang sasayangin ko
Ng dahil sa iyo.

Paalam na aking mahal,
Paalam na aking sinta
Hanggang sa muli nating pagkikita
At kapag nangyari iyon, sinisiguro ko sa iyo
Buong buo na ulit ang puso kong dinurog mo.

Paalam na, paalam na.
Hiling ko'y maging masaya ka.
Maging masaya ka sa piling niya.
Maraming salamat sa masasakit na alaalala.

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon