#RandomThoughts 177

26 0 0
                                    

Okay na ba ako? Mahal pa rin ba kita?  Kaya ko na bang bitawan ka? Iwan ka? Kaya ko na bang malayo sa'yo?  Ilan lang 'yan sa mga paulit ulit na tanong na pumapasok sa isipan ko. Nakakasawa na. Nakakarindi na. Nakakapagod na. Gusto ko na talagang bumitaw. Gusto ko na talagang lumayo pero sa tuwing gagawin ko na 'yon, bigla ko na lang masasabi sa sarili ko na hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kaya kasi nga mahal na mahal kita. 😞
Mahal na mahal pa rin kita kahit sobrang sakit na.

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon