#RandomThoughts 27

70 3 0
                                    

Ilang sakit pa ba ang kailangan mong maramdaman para maintindihan mo ang salitang "tama na"? Ilang luha pa ba ang kailangan mong ilabas para masabi mong "ayoko na"? Ilang salitang "bumitaw ka na" ang kailangang sabihin para lang bumitaw ka? Ilang beses ka pa bang magpapakatanga? Hanggang saan? Hanggang kailan? Kailan mo ba maiintindihan ang salitang "tumigil ka na"? Kailangan pa ba ng sandamakmak na ilaw para lang maliwanagan ka na hindi ka niya mahal? Kailangan pa bang isampal sa'yo ang katotohanang kahit kailan hindi ka niya mamahalin? Hanggang kailan mo pa ba pahihirapan ang sarili mo? Ilang luha pa ba ang sasayangin mo? Ilan pa bang "Okay lang ako" ang sasabihin mo? Ilan pa bang "Kaya ko pa" "Kakayanin ko pa" ang bibigkasin ng mga labi mo? Kailan mo ba sasabihin ang mga salitang "Sumusuko na ako" "Hindi ko na kaya"? Kailan mo ba malalaman na nagmumukha ka ng tanga?

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon