#RandomThoughts 178

33 0 1
                                    

Sandali, tumahimik ka muna. Pwede bang ako naman ang pakinggan mo? Pwede bang pakinggan mo muna ang sinasabi ng puso ko?
Mahal kita, mahal kita kahit ang sakit sakit na. Naririnig mo ba? Mahal kita, pang ilang ulit na ba? Mahal kita kahit gusto ko nang bumitaw. Mahal kita kahit gusto ko nang lumayo. Mahal kita kahit gustong gusto ko nang huminto. Pero wala e. Kahit gaano ko man gustuhing bumitaw, lumayo at huminto, hindi pa rin mawawala ang katotohanang mahal na mahal kita.
Mahal na mahal kita at mamahalin pa rin kita hanggang sa natitirang piraso ng durog na puso ko.

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon