#RandomThoughts 21

92 6 0
                                    

"Tama na" salitang paulit ulit mong sinasabi pero hindi mo naman ginagawa. "Suko na ko" salita ring madalas mong sabihin pero nauuwi lang din sa wala. "Hindi ko na kaya" nakakasawang pakinggan pero sa huli, patuloy ka pa ring lumalaban. "Ang sakit na", nasasaktan ka na pero patuloy ka pa rin sa kakaasa. "Mahal ko e", mahal mo, pero ang tanong mahal ka rin ba? "Lalaban ako", lalaban ka pero siya lumalaban din ba? "Ayoko siyang bitawan", ayaw mong bitawan pero hawak ka rin ba niya o ikaw lang ang nakahawak sa kamay niyang may hawak ding iba? "Naiiyak ako" ilang luha na ba ang sinayang mo? Ilang luha na ba ang iniyak mo? "Hindi ko kayang mawala siya", hindi mo kaya pero siya, hindi niya rin ba kayang mawala ka? "Ang tanga ko", oo tanga ka. Dahil tanga ka, hindi mo na tuloy nakikita 'yung mga taong nagmamahal talaga sa'yo. Nilalamon ka na ng pagmamahal mo sa kanya na hindi naman niya mapagtanto.

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon