Chapter 3: So It's not a Date

480 5 2
                                    

Shoot! Bakit pa siya nandoon? At talagang sa labas pa ng Wi-Net, pasandal-sandal pa sa pader, halatang ang tagal-tagal na niya nandoon.

Nakuha pang magpolo ni kuya, Checkered na black and violet. Cheap tignan pag nakahanger lang, pero noong siya ang nagsuot, medyo naging okay na! Aaminin ko may pagka maldita ako, kaya hindi man lang ako nag ka boyfriend noong high school, pero kakaiba si Patrick. Imba talaga ang dating niya.

Medyo nahalata kong napansin na niyang paparating na ako,Sa pagkakasandal niya kanina, napatayo siya bigla at tumingin sa dinadaanan ko, kaya naman ako, deadma lang. 

Mukha akong ewan, ang dami ng masasama at nakakahiyang nangyari sakin this past few days, Nahimatay ako, haggard sa presentation namin, tapos naglinis pa ako kanina. Mukha na akong sugar mommy pag tumabi sa kanya.

Expected na akong magagalit siya, biruin mo naman halos 1 hour na akong late, baka hindi na makapaghintay yung salamin niya.

Wait? What? "Expected?" At talagang naisip ko pa yun sa narration ng utak ko. It can't be, habol lang naman niya sakin ay libreng salamin, Kaya Who cares kung panget na itsura ko.

Kumbaga if nagkataong sugar mommy ako, pera lang ang habol niya sa akin, kahit gaano pa ako kapanget at sobrang hindi na presentable.

"Uy, Kuu--y. . ." Bago ko pa matapos yung pagbati ko sa kanya, narinig ko na naman yung nakakaasar na

"HAHAHAHAHAHA"  well, obvious, ang nakaka asar niyang "EVIL LAUGH" .

"HAHAHAHA" Patuloy pa ang kanyang pagtawa.

Grabe, ganoon na ba talaga kapanget ang itsura ko? Na sobra na kung makatawa si Kuyang katabi?

"Pwede ba, Hindi ako nagpunta dito para tawanan mo lang ako" mataray kong sagot.

"Miss, Bakit ba ang taray mo? Ikaw na nga itong late," sagot niya.

Syempre, napaspeechless na naman ako, Hindi ko maggawang mag maldita sa harapan niya. Sa harapan ni Patrick. Wala pa siyang salamin, Diyos ko! Huwag mo po sana akong ilapit sa lalakeng ito. Please.

Dahil hindi na ako sumagot sa tanong niya, unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Unti- unti. . .

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nanlamig na naman ang buong katawan ko. Feeling ko mahihimatay na ako.

Halos one-inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Wala akong maggawa kung hindi pumilit na lang. Hindi ko magawang manlaban dahil wala na akong lakas para doon.

Napaisip na naman ako: Ang first kiss ko ba ay mangyayari sa tapat ng isang computer shop? sa tapat ng Wi-Net? As in sa tapat din ng dorm namin? BADUY. No! Hinde pwedeng mangayari.

Pero nakapikit na ako, and He's about to kiss me. . .

5 seconds wala pa rin akong na fe-feel na "sparkle" sa labi ko. My God! Hindi ba niya ako hinalikan? Anong nangyari? Nakapikit pa din ako.

"Miss, may tuyong dahon ka pa sa buhok" sabi ni Patrick sabay  tanggal nung dahon na yun.

Tinignan pa niya ito,

"Tuyong dahon ng mangga?, nanuguha ka ba ng mangga diyan sa may campus?" Medyo sarcastic ang boses niya.

Nagmulat na ako, Woo! that was close, akala ko hahalikan na niya ako! Akala ko magkakatotoo yung panaginip ko.

Pero grabe, napahiya na naman ako sa kanya, First sa salamin, then nung nahimatay ako tapos ngayon nagmukha akong tanga! begging for his kiss.

Halata kong natawa na naman siya, medyo pinipigil na naman niya, hanggang sa hindi na niya nakayanan yun.

"HAHAHAHA, Bakit may pagpikit ka pa diyan? So you actually thought I'm gonna kiss you?" dagdag pa niya.

Errr... He got me, Anong sasabihin ko? nawalan na naman ako ng dila.

"Uhmm. Feeling ka masyado! masakit lang mata ko kaya ako napapikit!" Sauce, ang panget ng palusot ko. Kumbaga pag nasa korte, talo na agad ako. Obvious na hindi naman talaga yun ang reason ko.

"

Napakunot noo nalang siya, parang hindi pa magets kung bakit yun ang reason ko.

"Oh, Saan na nga pala tayo pupunta? sa Optalmologist? O sa ordinaryong pagawaan ng salamin?" dagdag ko pa.

 "Wala." 

"Ha? Ano? Wala? Eh anong pinunta ko dito?' bumalik na naman ang kamalditahan ko.

"Nakita ko yung kahapon."

"Ano? Anong nangyari kahapon?"

"Yung ano,"

Lord, Mga Santo at Anghel sa langit, wag naman po sana. Sana hindi niya nakitang nahimatay ako!

"Alen nga!" mukha na akong galet.

"Yung nahimatay ka" sabay tawa na naman. 

I knew it, nakita nga niya akong nahimatay.

"Kaya ka pala namumutla palagi, payat pa, hindi ka kase nagkakakaen."

"Eh pakeelam mo ba!" sabi ko.

Bago pa ako makapagtaray ulit ang kinaladkad na niya ang braso ko.

"Ano ba? San mo ako dadalhin?"

Tuturuan kita ng proper diet, starting sa breakfast." nag-mature ang tono ng pananalita niya. Animo'y siya ang Daddy ko.

"Yes Patrick duma The Moves!" sigaw ng tagabantay ng Wi-Net.

Hindi na namen namalayan na pinapanuod na pala kame ng mga tao sa Wi-Net, Sina Kuya JA, ang mga high school students na Wi-Net na ang second home. Nagawa pa nilang maghiyawan.

Si patrick naman ng thumbs up pa sa harapan nila, habang kam'y patuloy na naglalakad. I meas, ako pala, kinakaladkad niya.

"Ano ba! bitiwan mo na nga ang braso ko, nasasaktan na ako!" sigaw ko.

Pero hindi siya sumagot, At after three minutes, sa karinderya niya pala ako dadalhin. sa Aling Arvel's Tapsilogan. May slogan pa ang maliit na karinderya "All Under 39"

All Under 39? Ang cheap talaga nitong lalaking ito, mukha namang mayaman.

"Hi Arvel, dalawang tapsi nga" sabi ni Patrick. Si Aling Arvel, sa totoo hindi talaga siya "Ale" kase naman bakla siya. Baklang matanda na, lage pang naka red na lipstick kahit na puti na ang buhok. Pero in fairness, mukha siyang mabaet. Lage sigurong nandito si Patrick.

Ang dameng tao sa karinderya, At ng dumating na yung order namin, Agad kong sinunggaban ang pagkain.

"See, alam kong hindi ka pa nagbebreakfast,kaya dito ka na palage,  kahit na malelate ka na, mabilis mong makukuha ang order mo, hindi masasayang ang oras mo pati yang pera mo, Ang sarap kase ng luto dito" sabi ni Patrick.

"Eh,wala na akong time! pero. . ." hindi ko natuloy ang sasabihin ko, "Oh My God! Ang sarap nitong tapsilog! Medyo Juicy pa" pwede na akong endorser ng Aling Arvel's

Ngite lang ang ginawa ni Patrick  sabay sigaw kay Aling Arvel na "Pati siya nasarapan sa niluluto mo!"

"Wow, Thanks dear, by the way, ngayon lang nagdala ng babae si Patrick dito, No wonder ikaw ang una!"

Ako? AWESOME.

"Bago ka pa mag-isip ng kung ano diyan, tapusin mo muna yang kinakaen mo"

"Dito ba first date niyo?" masyado palang chismosa ang may-ari ng karinderya,

"No It's not a date"  naging defensive pa ang boses ko.

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon