Chapter 7: A Life Changing Bet

426 4 1
                                    

One year after the incident, Medyo nakalimutan ko na si Edelle, hindi ko na siya iniintay intay after o before pumasok sa Wi-Net, ika nga Time lang ang solusyon.

Madami dami na rin akong babaeng nakilala at pinakilala ng barkada ako, ilan sa kanila fling lang, ang iba naman trip lang, kumbaga a "guy thing" Wala  Hanggang sa nakalimutan ko na na nag send nga pala ako sa kanya ng friend request, nakalimutan ko  nang tanggalin yun, hindi ko din alam na yun pala ang magiging puno't dulo ng lahat. (We'll get to that later)

Isang gabi, habang naglalaro kami ng barkada, Biyernes naman yun kaya walang problema. Nagkukwentuhan ang barkada ko about their "love" thingy samantalang ako ay tahimik lang na nakikinig.

"Hey, kailan mo ba ibebreak yang girlfriend mo? Di ba the whole thing is a joke?"

"Bukas Dude"

"Yan ang gusto ko sa'yo. High five pre!"

Nagtawanan na naman sila, kaya ako nakitawa na din. Yun lang talaga ang ayoko sa kanila, ginagawang laro ang lahat. Pati yung mga walang kalaban laban na babae,kulang nalang idisplay nila sa bahay at gawing stuffed toy. Ganoon sila kalupet. Kaya naman wala akong sinasang ayunan sa mga kursunada nilang babae para sa akin. 

"Patrick" from out of nowhere, kinausap ako ni Prer.

Alam ko na kung saan ang patutunguhan ang usapang ito, Pipilitin niya akong maghanap na ng girlfriend dahil ako na lang talaga ang wala nito. Eh sa ayoko pa, lahat nalang kasi ng girlets na pinapakilala nila sa akin ay hindi ko gusto. Mga tipong walang chemistry sa pagitan naming dalawa. Mapili na kung mapili, pero kasi ang gusto ko yung babaeng makakapagparamdam na naman sa akin ng naramdaman ko one year ago, sa tapat rin mismo ng Wi-Net.

Lumingon na lang ako ng pagkatawag niya sa akin.

"Pat, remember that girl yesterday? Yung friend ni Morinealla?" 

"She's cool" with a sarcastic tone.

"Dude, maganda naman ah! B.S Economics pa!(naks!)"

"Di ko type pre e"

Tumahimik nalang si Prer. Nagsilmula na kasi ang game, syempre you wouldn't miss this awesome game pag nasimulan na. Okay na sana e, akala ko nakalimutan na niya yung girlfriend thing, hanggang sa

"Patrick, bakla ka ba?"

Nagtawanan na lang ang barkada, Nakitawa na din ako, Pate si kuyang nagbabantay nakitawa na din.

"Ha? mukhang to? Babaklain lang?" syempre ginawa kong cool ang tono ko, pero sa loob loob medyo napipikon na ako. Ikaw ba naman ang sabihan ng bakla. Pero nevertheless, pinalampas ko na lang yun. Friend ko kase e.

"Eh bakit lahat nalang ng babaeng pinapakilala ko eh you always turn down?"

"Overrated na kasi yung iba, hindi ko lang talaga type"

"Eh, dude paano ka magkakagirlfriend if you're always that picky?"

"Just go with the flow!"

May nag suggest na isang kabarkada namin:

"What if, kung sino yung unag papasok na girlet dito sa Wi-Net ay hihingin mo ng number? Para naman umusad yang pagkalalake mo?"

"That's so lame! Para kang elementary niyan! What if yung sinong unang tumabi sa'yo na gagamit din ng computer within the next 24 hours eh should be your date on our Engineering Ball?"

"Dre, dapat gawin na ding girlfriend" saad ni Prer.

"Hindi ko kailangang gawin yun no!" sabi ko naman.

"Kapag hindi mo ginawa yun, BAKLA ka nga talaga"

Wala na rin akong naggawa, napilitan ako e. Kahit na sa loob loob ko ay di pa din ako maka get over sa love at first sight ko sa babaeng yun, I should move on. Tama na din na gagawin ko to, for a a change, para naman magkaroon ng spice at adventure ang buhay ko.

"Oo sige, DEAL"

At sa next 24 hours, nakaupo lang ako sa Wi-Net, iniwan na ako ng barkada, at pinabantay pa ako kay kuya J.A para alam nila kung ano nag tunay na nangyayari. May CCTV Camera pa kaya wala talaga akong kawala. 

8:00 pm na,at lahat ng nakakatabi ko sa rentahan ay puro lalake, nakiki ayon talaga ang Diyos sa akin.Hindi ako pinababayaan. Sa loob loob ako.

Ito na sana ang pinakamasayang araw ng pagpunta ko sa Wi-Net dahil after nitong araw na ito, ay wala akong masasaktang babae.Hindi ko sila mapaglalaruan dahil wala namang tatabi sa akin. Konting oras nalang Patrick. Hintay hintay lang.

Hanggang sa

may unti unting lumapit sa tabi ko, My God. Babae siya.

at ang malala pa.

Edelle.

Paano na ito? Tadhana lang ba o mere incident lang? 

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon