Chapter 4: Facebook Incident

494 3 1
                                    

Awkward silence ang nangyare after ng usapan namen ni Aling Arvel. Hindi na rin kase nagsalita si Patrick after noon, Ewan ko ba. Feeling ko medyo nagalit siya dahin dineny ko na mag kadate kame? Pero totoo naman, hindi naman talaga date itong ginagawa namen.

"It's the most beautiful time of the year"   Crap! narinig niya yung ringing tone ko. Siguradong aasarin na naman ako nito ng todo.

Hindi ko pa rin sinasagot yung tumatawag sa phone ko,

Nag-iisip na ako ng pang back-up na maisasagot ko sa kanya kung bakit yun ang ringing tone ko. Okay, sige. Inaamin ko ang Corny ko. Ay hinde male, baduy pala. Eh wala kang maggagawa, BELIEBER ako. If you know what I mean.

"Bieberian ka pala?" saad ni Patrick.

Nag-isip pa ako at medyo nag-buffer sa sinasabi niya. "Bieberian?" What's the meaning of that? Hanggang sa na-absorb ko na yung mga fans pala ni Justin Bieber ang tinutukoy niya. Napatawa nalang ako ng malakas, hanggang sa makita na ang toncil ko. Oo, ganoon ka exagerrate. Mala- cartoon ang tawa ko.

 "Ha? anong nakakatawa don?"

"HAHAHAHA, Bieberian, HAHAHA!"

Tinignan niya lang ako with a "DUH" face.

"Belieber kamoHAHAHA! Bieberian ka dyan. Ano yun vegetarian? noranian? vilmanian? HAHAHA" 

Na speechless na lang siya at medyo namula. Nahalatang napahiya siya. Sa wakas, naramdaman din niya yung feeling na pinagtatawan, yung feeling na napapahiya. HAHA, nakaganti na rin ako! Kaso accidental nga lang, hayaan na. At least, alam kong hindi siya perfect.

"Kung sinasagot mo na yang phone mo!" palusot na lang ni Patrick.

Ay, oo nga pala, nakalimutan ko! may natawag nga pala sakin. 

"Hello Edelle nasan ka na ba?" naiiritang boses ni Muji.

Muntik ko pang makalimutan! Presentation namen! At ng pagtingin ko sa orasan, 30 minutes nalang 11 am na, grabe. Ambilis ata ng oras. Sa tapsilogan lang naman kame nandoon ah, parang kakaupo lang namin. Ganoon na ba talaga pag gwapo kasama mo? Ubos oras? HAHA.

"Sige. . . sige. . .Oo. . ., papunta na ako diyan! pinapakain ko lang yung aso kong si Reiner"

Wala na akong masabi pa kay Muji. Alangan namang sabihen ko sa kanyang may kasama akong lalake, baka siya naman ang mahimatay. Basta, mahirap pang i explain pag sinabing kong si Patrick na gwapo ang kasama ko.

"Uy sige, thank you nalang sa pag iintroduce mo saken dito kina Aling Arvel's, saka na muna yang salamin mo ha?" sinabi ko kay Patrick pagkababa ng telepono.

"Teka, ako ba yung sinasabihan mong aso?" sagot niya.

"Ah, Eh, hirap i-explain eh, sige ha! may gagawin pa ako" sabay takbo kay Aling Arvel. Binayaran ko na yung kinainan namin pareho para wala na siyang masabi. Mahirap na kasi if ever na magkita ulet  kame, singilin niya pa ako sa utang ko. Maganda na yung salamin lang, wala ng iba pa. 

 Computer Science Lecture Hall

Natanaw ko kaagad si Muji, mukha na siyang kawawa doon sa sulok dahil kanina pa siya mag-isa, buti nalang saktong pagpunta ko ay saktong dating ng prof. May binulong ang partner ko sa akin:

"Kamusta naman yung aso mo?ano bang pinakain mo at bakit sobrang tagal mo?"

"Ha? Eh, tapa eh!"

"Tapa? Bakit naman yon? At ganoong katagal mo siya pinapakain?"

"Ang tigas kase e, di masyadong naluto, alam mo naman maarte si Reiner"

"AH" Tanging nasagot lang ni Muji.

Hindi ko lang masabi sa kanya na si Patrick ang kasama ko, kase pag sinabi ko naman yun sa kanya. Baka gawan niya ng background check, o kaya naman kilala niya yung tao, baka malaman ko pa pati surname niya. Eh, ayoko ng ganoon, ayoko na siyang makilala pa, balak ko nga after kong palitan ang salamin niya, Hindi ko na siya papansinin. Ayoko maging attached sa kanya! Hindi pa ako ready, Hindi pa ako ready na ma-in-l. . . Teka no! Bakit ko ba siya naiisip? I have to focus! May isasalba pa akong kumpanya. Ma. Edelle Lyn Balatibat, hindi pwede itong nararamdaman mo. Please, pigilan mo.

Natapos ang presentation namin na okay naman, No worries, Paniguradong mataas ang grado na makukuha namin, Kame pa kaya! Kaya namin yon.

Lumipas ang tatlong araw, kahet araw-araw akong nasa Wi-Net, hindi ko pa rin makita si Patrick. Pero yung totoo, hindi ko siya iniintay. AY teka magpapakaprangka na ako, iniintay ko talaga siya at medyo alam ko na kung bakit.

Dahil wala naman akong magawa sa computer, naisipan kong kalikutin nalang ang facebook account ko. Tinype ko ang word na "Patrick" sa search bar, at Voila! nakita ko kaagad ang profile niya, yung mukha niya kasi talaga ang nakabalandra sa profile niya.

Neil Patrick Matadero pala ang real name niya.

At pagtingin ko sa profile niya,

"Respond to friend request" kaagad ang bumungad sa akin. Teka, kilala ba niya ako? Inadd niya na pala ako dati sa facebook pero hindi ko alam? Matagal na ba niya kong kilala? Kasi kung ngayon ngayon lang  niya ako inadd siguradong matagal ko ng na accept yun dahil kilala ko naman talaga siya. So meaning months or even years na itong friend requst niya sa akin.

Nag-iba tuloy ang tingin ko sa kanya, anong motibo niya sa akin? May binabalak ba siya? Itong mga tanong ito ay siya lang ang makakasagot.

Syempre may "Angel side" din sa isip ko ang naglalaro. Baka naman isa siya dun sa mga taong random lang kung mag add sa mga friends. Malay mo, aksidente lang na napindot niya yung "Add as Friend" button malay ba natin.

Kahet na anong doubt ko pa sa pagkatao niya, kinonfirm ko din ang kanyang request. Noong balak ko ng mag-out, may narinig ako mula sa aking likod:

"Kuya JA isa nga open time"

teka, boses ni Patrick yun a. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko, ramdam kong may papalit na na tao sa likod ko. At ramdam ko din na si Patrick yun

**Next Chapter: Patrick's Narration**

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon