Chapter 28: You know that it's Love

358 1 0
                                    

*Diretso na ng infirmary. pero before that, kailangan munang sumakay ng jeep. Sobrang layo kase ng infirmary sa kabihasnan ng campus area. 7:00 PM, December pa din

Edelle’s POV

Sobrang bigat ni Patrick habang inaalalayan ko siya. Idagdag pa ditto ang tusok tusok na bag na sobrang kati sa may tagiliran.

“Bakit ba kase ang tanga mo? Bubuyog lang pala ang katapat mo!”

“Malay ko ba” mukhang matamlay, hindi siya ata nakikipag rebuttal sa akin, siguro epekto nung pagkagat sa kaniya.

“Ang bigat bigat mo pa! mukha ka namang payat!”

“Please samahan mo nalang akong pagpuntang infirmary” super tamlay pa din

 Nang tignan ko siya halatang namumutla na ang mga labi,  sobrang pagod na din ng mga mata niya, mas malaki pa yung dark circles sa ilalim ng mata niya kesa sa mismong mata.

Wait, wala naman masyadong side effects yung pagkagat sa bubuyog ah, hindi naman deadly yun diba? Pero bakit ganito ata nangyayare sa kanya?

“Edelle, ayan  na yung jeep oh, ipara mo na ako”

“Ah okay sige” nataranta na ako, mas lalo kase siyang nanlata.

“Iwan muna kita ditto para Makita agad tayo nung driver. kaya mo namang tumayo diba?”

Walang sagot. Pumunta na ako sa may yellow lane para pumara.

“MANONG PARA!!!”

BALAGADOOOOOONNNN!

*Sa di inaasahang pangyayare, biglang nahimatay ang leading actor sa wattpad na to.

Teka, si Patrick ba yun? lumingon ako at nakita ang nakahandusay  na si Patrick Ten- oops, Matadero pala.

Dali dali ko na siyang pinuntahan, sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko pa siya inakay hanggang sa yellow lane. Well, hindi ko na naman talaga kaya ee, masyado na siyang mabigat para sa akin.

“OH MY GOD PATRICK!!!” nakahandusay siya dun, walang malay, niyuyugyug ko ang balikat niya pero hindi pa din siya magising, sinampal sampal ko pa siya pero wala pa din.

Isa nalang talaga ang dapat kong gawen,

OO TAMA INIISIP NIYO

Yun na nga,

Yung mga times na pag nalulunod ang isang tao at kaialangan mong irevive ang buhay niya.

Yung oras na pag nawalan ng malay or hindi masyadong makahinga yung tao.

Medyo censored  sa MTRCB pero kailangan, kailangan kong gawin. . .

Kailangan kong tumawag sa 911 este 117 pala ditto sa Pilipinas J

Ng pagkuha ko ng cellphone ko, syempre tarantang taranta pa din ako

“Teka Patrick!” nakaupo pa din ako at busyng busy sa pagcontact ng sasaklolo ng biglang,

may humila sa akin papalapit sa mukha ni Patrick.

Gising siya? teka anong ibig sabihin nito? Nag papanggap lang siyang nahimatay, nako ha.

*pero masyadong mabilis ang pacing, hindi na makapag isip ang bidang babae.

OMG, Hahalikan ba niya ako, hindi to pwede!

Patrick’s POV

Aaminin ko, nagpanggap lang akong nahimatay, kase pag nagkataon, mas mapapahiya pa ako sa infirmary, dahil hindi naman talaga tumalab sa akin yung kagat ng bubuyog. May pagka abnormal ata yung katawan ko.

This is my chance, this is it. Dito ko na sisimulan ang matagal ko ng pakay kay Edelle.

*Kung censored na naman sa MTRCB ang iniisip niyo nagkakamali kayo

Hinila ko siya papalapit sa akin, at dahan dahan kong hinalikan ang kanyang pisngi.

Sigoro ito lang ang paraan para maramdaman niya na iba na ang feelings ko for her, na hindi lang hanggang frenemy ang tingen ko sa kanya.

Syempre sinampal niya ako at sinabing

“Ano ka ba? BASTOS!!! Pinag titripan mo lang ba ako? Pwes, hindi yun uubra sa akin, mabuti na  lang sana na hindi na kita binalikan dun sa jeep ee!”

Walk out mode again, ako naman ito, si habol.

“Teka lang” hinawakan ko siya sa braso at hindi ko siya binitiwan dun.

“Ano ba! masakit sabe ee! Tama na ang pangungulit mo sa akin” 

“OO sige na, matagal na kitang kinukulit, pero may dahilan yun! Yung pang aasar ko sa’yo, yung pag protekta sa’yo, yung pagsama ko sa’yo sa favorite kong karinderia!  Lahat yun may dahilan!”

“Ano na namang kalokohan yan?” binitiwan niya ang pagkakakapit ko sa kanya then tinalikuran niya ako

“KASE EDELLE” nahihiya pa ako sa una pero nilakasan ko na ang mga sunod kong sinabi

“MAHAL KITA!”

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon