Chapter 15: Closer than Ever

404 3 0
                                    

"Sorry! Sorry sorry ka dyan, akala ko ba ikaw ang bahala! Bakit ganito ang nangyare!"

Goodness, galit na galit na talaga siya, nakikita ko na kase yung dalawang butas ng ilong niya, at nanlilisik pa ang mga mata.

"Eh, sorry na kase, malay ko bang dibdib mo yun, flat na flat e"

Dahil sa sinabe ko, mas lalo pa siyang umiyak. Asar, ayoko pa namang nakitang naiyak ang babae, parang ang bigat bigat sa loob.

"Wag mo na ulit akong hahawakan!" 

Nako! nalagot na, sobrang taray talaga niya, hindi ko na tuloy lubos maisip kung bakit ko nagustuhan ang babaeng ito, bahala na. Try ko nalang yung style na ginagawa ko sa kapatid ko pag naiyak, yung patawanin siya.

Daldal siya ng daldal, ang daming sinasabi daig pa ang Mommy ko. Lageng nagrereklamo kung bakit daw kame nakulong dun and ang dami pang pasikot sikot. So I cover her mouth and she shouted

"RAPE!"

"Pwede ba? magtigil ka nga diyan, asa ka namang may gagawin ako sa iyo"

"Eh bakit mo ba tinakpan itong bibig ko"

"Eh ang sakit na ng tenga ko!"

Ayun, nanahimik nalang siya. So it's my time, na patawin siya, 

Ang dami kong kinuwento sa kanya para hindi na niya ma feel na nakulong kami sa Wi-Net, from my high school experience, sa pamilya ko particularly may sister Lara saka yung mga comedy series na napapanuod ko sa T.V.

Bumenta naman ako sa kanya, napatawa ko siya, at hindi lang basta tawa, yung sobrang tawa. Nakakatuwa siyang pagmasdan, ang ganda ganda talaga niya. Kaso parang hindi niya alam yun.

Nung matapos na akong magkwento, siya naman ang sumunod.

Guess what kung anong pinagkwentuhan namin?

Syempre, yung aso niyang si Reiner!

Kinuwento niya na napulot lang pala niya iyon sa daan at mukhang mamamatay na sa kapayatan kaya inuwi niya sa bahay, ayun si Reiner na ang naging pet niya from that day. Ang malala pa ay pinakita niya sa akin nag picture niyo na nakalagay sa wallet niya, yung part ng wallet na pinaglalagyan mo ngi.d or picture ng boyfriend mo, ayun Doon nakalagay. :)

Ang saya saya ko that day, I mean madaling araw na pala yun, sa tantya ko ay 4 am na kami nakatulog, pero nauna siya. Before ako matulog, pinicturan ko ang mala anghel niyang mukha (kahet tulog)

Okay na sana ee, bigla namang ngumanga pagclick ko, Pero ayos na din. At least may picture na ako sa kanya. Ang saya lang talaga.

"Patrick"

teka, boses ni Prer yun ah, yung unggoy na yun! sinet-up pa kameng dalawa, makakaganit din ako. Hindi ko pa namumulat ang mata ko,

"NAKO! PATRICK! ANONG GINAWA NIYO! @.@

Bakit ganoon ang reaksiyon ni Prer? Nakakatamad pang magbukas ng mata kasi naman 5 na ata ako nakatulog, ano kayang nakita niya? 

Wi-Net: A Computer Renter Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon