Dummy 04

8 0 0
                                    

Kanina ko pa tinitignan si Klaire...

"Hoy! Ikaw na Mr. Dummy. Paano ka napunta dito?" Biglang usisa ni Klaire sa akin. Tumingin ako sa kabilang Side at muling binalikan ang mga nangyari bago ako napunta dito.

*****

"Kuya~!" Sigaw ng kapatid kong si Jared

"Zedrick kain ka muna nag luto ako para sa inyo anak"  sabi ni Nanay sabay labas ng kare-kare at kanin.

"Nay nag abala ka pa" sabi ko kay nanay. Kakauwi ko lang kase dito sa Pampanga. Ang aming probinsya.

"Kuya laro tayo beep beep! Tyaka choo choo tyaka wang wang" sabi naman ng kapatid kong si Jared.

Isa akong Manager sa  isang restaurant. Sa Maynila ako nakabase ngayon kaya isang beses sa tatlong linggo ko na binisita si nanay kaya ganun nalang kung siya'y maghanda para sa aking pag uwi.

*kinabukasan*

"Nay alis na ho ako." Paalam ko kay inay bago sumakay ng tricycle alas kuwarto na ng madaling araw. 

Habang umaandar ang tricycle ay bigla naman akong kinutuban ng masama at napansin kong iba na pala ang ruta ng tricycle na sinasakyan ko at dahil madaling araw na bigla akong nakaramdam ng pagkahilo na nagdala sakin sa mundo ng mga panaginip at pagising ko. Andito na ako. Sa lugar na saksi ang bawat kagamitan sa aking kalungkutan.

**
"Hey Dummy boy!" Sigaw ni Klaire napatingin ako sa kanya. "Ayos ka lang?" Tanong niya na may halong pag aalala

"Oo, ayos lang" sagot ko. Biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napatingin ni Klaire.

Si old man at may naaninag nanaman akong anino ng tao...

A new dummy...

Creating My DummyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon