Start na ng 2nd show.
Pero di na ito kagaya ng dati. May mga manikin na nakaupo sa mga bleachers. Pero kinilabutan ako kay Jinx Afloenzo. Ulo nalang kasi niya ang nasa upuan. Si Afloenzo yung nakita ko ng first show.
Yung parang model ng mga Dummy.
"Creepy" Saad ni Klaire na naka gown na parang si Bell ng Beauty and the beast. Yun kase ang Role niya.
Nag start na ang show.
Dumating sa puntong hahalikan ni Bell si Beast. At ako si Beast.
"Kiss" diin ni Old man.
We kissed. And my heart is... ugh!
**
Natapos na ang palabas at iniwan kami ni Old man sa may kusina.
"Klaire tatakas tayo" napatingin lang siya Sken.
"Klaire wag mo ko iiwan. Klaire..." Di ko alam kung pano ko nasabi ang mga yon o ano.
"Nag-aadik ka nanaman 'no? Bat naman kita iiwan? Partners tayo Zeddy" she pinched my cheeks "So aalis na ba tayo? Tara na! " Masigla niyang sabi. I smiled.
May nakita akong pintuan sa may kusina palabas din ito. Parang tunnel paakyat. Binuksan namin yung pinto saka sana aakyat ng biglang dumating si Old man.
"Sabi na nga ba't iiwan niyo din ako. Edward at Klaire." Sabi niya.
"Akyat Klaire dali!" Sigaw ko habang nililito si Old man.
Sinuntok ko siya pero parang wala lang sa kanya.
Para siyang may Super strength.
"Zedrick nakalock!" Sigaw ni Klaire .
Yung ang huli ko narinig bago ako lamunin ng kadiliman.