Dummy 05

8 0 0
                                    

"Oh my lovely dummy Klaire. . ." Nakaupo ang partner kong si Klaire sa upuan habang inaayusan siya ni Old man. Si Jinx Afloenzo. Ang isang bagong Dummy sa paningin ko. Dahil patay na siya. Pero mukha siyang buhay.  Siya ang parang pinaka modelo ng mga Dummy. Kumuha ng glue gun si old man at kumuha ng ribbon na kulay Blue idinikit ni old man iyon sa buhok ni Klaire. Or should I say. Sa gitna at pinaka malapit sa buhok ni Klaire gamit ang glue gun. Napangiwi si Klaire sa sakit. Kumuha naman ng parang glitters at mga plastic na brilyante ang matanda at saka idinikit iyon ng matanda sa buong leeg ni Klaire. Maganda ang disenyo kung wala nga lang sanang nakikitang sakit sa mga mata ni Klaire. Yun lang. Kumuha ng Face paint ang matanda. Nilagyan niya ng kolorete ang mukha ni Klaire.  Nagmumukhang manika si Klaire. Napagdesisyunan namin ni Klaire na wag nag magreklamo sa bawat iutos nito. Kailangan kasi namin ng lakas para matalo si Old man. 

"Don't touch my lips!" Reklamo ni Klaire.

"Shut up. Or else I'll squeeze your neck lovely Klaire " the old man said.

If I could just kill you old man. If I ugh!

"Hanggang kailan mo ko itatali dito Master? " nakakasuka ang tawagin siyang Master. 

"Just wait my Dear.  I can't just trust you for now... pero kung babait ka  at mamahalin ako pangako di ka mag sisisi" sabi niya habang may ngiti sa labi niya. Ngumiti din ako.

Siguro eto na ang simula. Habang inaayusan ako ay hindi ako nagreklamo at puro kaplastikan lang ang ginagawa ko at sinasabi ko. Napatingin ako kay Klaire

"Napaka galing mong aktor" She mouthed

Creating My DummyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon