Dummy 11

7 0 1
                                    

Iniwan na ako ni Old man dito pagkatapos niyang bigkasin ang mga katagang iyon. Napaisip din ako kung asan man si Klaire. Sana nandito siya . Di naman niya ako iiwan dito di'ba? 

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Old man. Tinanggal niya ang mga tali na nakalagay maliban sa nakalagay sa paa. Pagkatanggal niya ng mga tali sa kamay ko akma ko siyang susuntukin ng bigla niya akong unahan ng suntok.

Naunahan ako ni Tanda.

Malakas yon. At tinali na niya ulit ang kamay ko. May hinila siyang parang wheel chair at dun ako nilagay.

"May ipapakita ako sayo" yun lang ang sinabi niya. Pero panigurado kasinungalingan lang iyon. Makakawala pa din ako dito.

**

Isang video.

Yun ang nakita ko na pinakita ni Old man sa akin.

Binuksan ni Old man ang player.

At ang nasa video? Si Klaire.

Na nagpapahiwatig ng paglisan niya . Iiwan na niya ako dahil sa gusto na niyang balikan ang kanyang pamilya.

At ang simula ng paglaya niya ay simula naman ng pagpatak ng mga luha ko sa mga panahong to.

Ilang araw pa ang lumipas.

Nagpakamatay si Old man pero nanatili ako dito. Hinahanap ko si Klaire pero di ko siya mahanap.

Akin lang siya kase . Akin lang.

I will hunt for you Klaire Sanchez.

(Making You Mine By: Lunacyyy book 02)

Creating My DummyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon