Namulat ako ng bigla kong maramdaman ang mahigpit na pagkakatali ng mga Copper Wires sa aking mga kamay at paa.
"Mga pasaway" sabi nito at biglang napatingin Sken. Nasa 40's palang at si Old man pero bakit malakas pa siya? "Kamusta?" May halong kalungkutan ang boses nito saka ngumiti ng peke.
"Akala ko gusto niyo na dito alam mo ba yun? Akala ko di na ako mangungulila kase andito na kayo ni Klaire..." he paused. "Pero mali ako"
Humugot siya ng malalim na hininga na para bang frustrate na frustrate na siya. Teka. Asan si Klaire? Luminga- linga ako para mahanap siya.
Hindi ko siya nakita.
"Asan si Klaire?" Tanong ko na may halong pag aalala. Di kaya pinatay na siya ni Tanda? Ah. Di pwede.
"Iniwan ka na niya Dummy. . ." he said with a smirk.
"How was the feeling of being abandoned? " nanghina ako sa sinabi ni Old man. Pero hindi. Hindi ako pwedeng iwan ni Klaire. Hindi.
"Asan siya? Wag mo na akong paikutin pa sa pakiramdam na kahit kailan ay di ko mararanasan kay Klaire" sabi ko saka ngumiti sa kanya.
"Bat ba ang laki ng tiwala mo sa babaeng yon?" Tanong niya.
"Kase panatag ako na hindi niya ako iiwan"
"Talaga? Alam mo bang walang kwentang yang mga katagang yan sa kalagayan niyo ngayon?"
Walang kwenta? Siguro sayo. Yumuko nalang ako ayoko makipag debate sa isang baliw na to. Seryoso.
"Pinapili ko siya kung kalayaan o ikaw..." napatingin ako sa kanya.
"At hindi ikaw ang pinili niya Dummy. Hindi. Ikaw."
Binibilog lang siguro nito ang ulo ko. Di ako maaring iwan ni Klaire.
Hindi. Umiling lang ako saka ngumiti.
"Just shut up old man"
"You wont believe me right? Because you can't believe that I'm telling the truth" he said