HABOL ko ang paghinga nang magising ako. Ang init ng pakiramdam ko at dama ko ang pananayo ng tuktok ng mga dibdib ko. Nang tingnan ko ang mga iyon ay nakabakat ang mga iyon sa manipis na hospital dressing gown na suot ko. I can feel that I'm moist between my legs.
Napapikit ako at frustrated na napaungol. Dinadalaw pa rin ako ni James hanggang sa panaginip. Parang totoo. Ang mga haplos niya, ang mga labi niya sa balat ko, totoong totoo. Sa panaginip ko, katulad ng tunay na nangyari ilang buwan ang nakararaan ay narating ko ang rurok. Pero ngayon... ugh. I badly need my release. Pero alam ko na kapag pinaraos ko ang sarili ko ay makakaramdam na naman ako ng matinding guilt pagkatapos. I will feel dirty, abnormal and worthless and I hate feeling like that.
Uminit ang mga mata ko dahil kahit nagtatalo ang loob ko ay gumagalaw na ang kamay ko pababa. Para bang may sariling isip ang katawan ko. Naka-programa. Mahirap kalabanin. Bago pa marating ng kamay ko ang nais niyong patunguhan ay nakarinig na ako ng mga yabag papalapit sa pinto ng hospital room ko. Agad na huminto sa puson ko ang kamay ko kasabay ng pagbubukas ng pinto.
Lumingon ako sa mga bagong dating. Si Lizzy at ang doktor na sumuri sa akin ang una kong nakita. Mukhang gulat na maabutan akong gising. Hindi ako nagtataka. Alam ko na puro tulog lang ang ginagawa ko. Hindi ko mapigilan. Palagi akong inaantok. At iyon lang ang gusto kong gawin. Gusto kong natutulog dahil sa ganoong paraan ay nananaginip ako. At sa mga panaginip ko, palaging si James ang kasama ko.
"Joy, mabuti naman at gising ka na. Gusto mo na bang kumain? Bibili ako sa canteen," masayang sabi ni Lizzy.
Nagpapasalamat ako sa kaniya na matiyaga niya akong dinadalaw at kapag walang trabaho ay binabantayan pero umiling ako. "Hindi ako gutom," paos na usal ko. "Lizzy, baka may trabaho ka. I'm okay. Go to work, please."
"No. Hindi kita iiwan," matatag na sagot ng kaibigan ko.
Umiling ako. Ayokong idamay siya sa kamiserablehan na nararamdaman ko. Ayokong makita ang awa sa mga mata niya tuwing tinitingnan ako. Gusto kong mapag-isa. "Please," giit ko sa tinig na kahit sa pandinig ko ay malamya.
Umawang ang bibig ni Lizzy, mukhang magpo-protesta pa. Pero may nauna sa kaniyang magsalita.
"Tama siya. Hindi mo kailangan ihinto ang buhay mo para sa kaniya. Hindi makakatulong sa kaniya ang ginagawa mo."
Napalingon si Lizzy sa nagsalita. Ganoon din ako. Ngayon ko lang napansin ang isa pang lalaking nakaputi na nakatayo sa bukana ng pintuan. Ni hindi ko namalayan na may kasama pala si Lizzy at ang may-edad na doktor nang pumasok sa kuwarto ko.
"Martin," saway ng may-edad na doktor.
"Nagsasabi lang ako ng totoo," sagot ng bagong dating. Naglakad siya palapit sa kinahihigaan ko. Huminto siya sa mismong harap ko at tiningnan ako. "Hindi nakabubuti sa pakiramdam ang kinaaawaan. In fact, it only makes a person feel worse."
Kumirot ang puso ko. Para kasing nabasa niya kung ano ang nararamdaman ko na hindi ko magawang sabihin kay Lizzy. Alam ko na inaalala ako ng kaibigan ko. Pero sa totoo lang ay nasasakal ako ng labis niyang atensiyon.
"Okay," pabuntong hiningang sabi ng kaibigan ko. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Aalis na ako pero babalik ako kapag wala akong trabaho, okay?"
"Okay," mahinang sagot ko.
Dumeretso ng tayo si Lizzy, nagpaalam sa dalawang lalaki, nagbilin, nagpaalam sa aking muli at saka lumabas ng silid.
Tumikhim ang may-edad na lalaki, lumapit na rin sa gilid ng kama ko at mabait na ngumiti. "Joy, gusto kong ipakilala sa iyo si Dr. Martin. Siya na ang magiging doktor mo simula ngayon."
BINABASA MO ANG
PATIENT X (R-18)
General FictionWhen you get caught in a dangerous game, you will never be the same again. Joy Madrid is a beautiful woman suffering from major depression because of a relationship gone wrong. Mahal pa rin niya si James at kahit na ipinagpalit na siya nito sa ibang...