Chapter Fifteen

35.2K 540 24
                                    

MAY PADER na natibag sa pagitan namin ni Martin pagkatapos ang gabing ginawa namin ang unang item sa listahan ng aking erotic fantasies. Dalawa pa.

Hindi niya sinasabi sa akin kung kailan namin isasagawa ang natitira sa listahan. At alam ko na kahit magtanong ako ay hindi niya ako sasagutin kaya nanahimik na lang ako. Kahit pa sa tuwing naiisip ko ang dalawa pang nakasulat sa listahan ko ay nakakaramdam ako ng magkahalong kaba, takot at antisipasyon.

Nawala lang iyon nang nasa dining hall na kami para kumain ng hapunan. Napakurap ako nang makitang sa garden ang set up ng buffet. Dahil madilim sa resort na iyon kapag gabi maliban sa ilang light posts ay mas naging makapigil hininga ang mga maliliit na ilaw na isinabit sa mga halaman sa garden para magbigay liwanag sa paligid. May ilaw rin sa buffet at sa beverage area. Bawat lamesa ay may mga nakabukas na kandila sa gitna. At may isang grupo ng mga musikero ang naglilibot sa mga lamesa para kumanta ng request ng mga guest. Nang dumating kami ay may isang lamesa ang nagpapakanta ng isang love song at may magkapareha pa roon ang tumayo at magkayakap na sumasayaw.

It looks intimate and romantic. Hindi ko napigilan ang mapahinto sa paglalakad at mapatingin lamang sa paligid. Hanggang sa may lumapit na waiter sa amin, nakangiti.

"Cottage 301?" tanong niya.

"Yes," sagot ni Martin.

Ngumiti ang waiter. "This way, sir, ma'am." Saka nagpatiuna sa paglalakad. Kumurap ako nang bahagyang pisilin ni Martin ang kamay kong hawak niya at nakangiti akong hinigit pasunod sa waiter.

Dinala niya kami sa pandalawahang lamesa na bahagyang nakahiwalay sa iba. Katunayan, napansin ko na iyon lang ang pandalawahan doon. Binitiwan ni Martin ang kamay ko at pinaghatak ako ng silya. Mahina akong nagpasalamat saka umupo.

Napansin ko na ngiting-ngiti ang waiter na nag-a-assist sa amin bago nagpaalam. Tiningnan ko si Martin nang umupo siya sa katapat kong silya. "Alam nila kung saang cottage tayo?"

"Tumawag ako kanina bago kita gisingin."

"Para saan?" takang tanong ko.

Ngumiti si Martin. "Para bigyan tayo ng mas pribadong lamesa."

Napamaang ako sa kaniya. Kaya pala kami lang ang nahiwalay. Pinasadya niya.

At hindi lang iyon ang naging kakaiba. Dahil himbis na magpunta kami sa buffet table na katulad ng iba ay may mga lumapit na waiter para dalhan kami ng pagkain at red wine. At lahat sila may malawak na ngiti at kakaibang kislap sa mga mata sa tuwing lumalapit sa amin.

"Bakit ganoon sila makangiti?" hindi ko na natiis na tanong kay Martin maya-maya.

"Ah." Napansin ko na sandali siyang nag-alangan bago nagkibit balikat. "Ang alam kasi nila ay nasa honeymoon tayo. Mukhang natutuwa silang makakita ng bagong kasal."

"Ano?" nanlalaki ang mga matang bulalas ko. "Bakit nila – wait, sinabi mo na... nasa honeymoon tayo?" pabulong pero marahas na tanong ko.

Nagsimulang kumain si Martin. "Nagtanong ang mga tao sa reception area nang mag-check in ako. Umoo na lang ako. Isa pa ay mas mabuti nang ganoon ang isipin nila."

"At bakit?" manghang tanong ko.

Sumubo muna siya, walang pagmamadaling ngumuya at nang lumunok ay saka lang ako tiningnan at ngumiti. "Para hindi nila maisip na weird kapag may staff na mapadaan sa cottage natin at marinig ka. You are a screamer, do you know that?"

PATIENT X (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon