THERE is something about intimacy that always makes me wistful. Kung paanong malalaman mo kaagad na intimate ang isang pareha kapag napagmasdan mo sila. May kung ano sa palitan nila ng tingin, sa ngiti at kahit sa kaswal na pag-uusap, ang magbibigay ng senyales na mayroon silang intimate relationship. May kung ano sa simpleng paghawak sa siko o paghawi ng buhok na humarang sa mukha, ang magbibigay ng senyales na hindi lamang ganoong haplos ang nagagawa nila sa isa't isa. Minsan nga, kahit magkatabi lamang ang magkapareha at hindi naman nagkakalapat ang mga katawan, mapapansin pa rin ang tila kakaibang aura na nakapalibot sa kanilang dalawa.
Dati ay napapaisip ako, may makikilala ba akong isang tao na makakatabi ko lang ay masasabi na ng mga taong makakakita sa amin na mayroon kaming intimate relationship? May makikilala ba ako na isang tao na magkatinginan lang kami ay para na kaming may telepathy na magkakaintindihan? Isang tao na magiging komportable talaga ako.
Palagi kong naiisip noon na ang taong iyon ay isang lalaki na mahal na mahal ko. Boyfriend. Lover. Mula nang ma-in love ako kay James, siya palagi ang nakikinita ko na taong makakasalo ko sa isang intimacy na hindi ko pa naramdaman noon.
Pero kahit tatlong buwang may nangyayari sa amin, hindi kami nagkaroon ng intimacy. Ngayon ko lang narealize na posible pa lang nagtatalik kayo pero hindi kayo intimate. Dahil ang intimacy ay hindi lang binubuo ng pisikal na pag-iisa. Dapat may emosyonal at mental na koneksiyon din ang dalawang tao.
Narealize ko rin ngayon, na puwede kang makaramdam ng intimacy sa piling ng isang tao na hindi mo naman karelasyon. Katulad namin ni Martin. Mula nang gabing naiyak ako pagkatapos naming gawin ang ikalawang fantasy sa listahan ko, damang dama ko na may naiba sa amin. Bukod sa gumaan ang loob ko at mas naging komportable ako sa kaniya. Bukod sa naramdaman kong bumait at mas naging masuyo siya sa akin. Nagkaroon kami ng... spark.
I feel the sparks flying whenever our eyes meet. Kapag nagkakabunggo kahit sandali lang ang mga balat namin ay parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan naming dalawa. Kapag hinahawakan niya ako para alalayan sa siko, o para gagapin ang kamay ko, o kapag lumalapat sa lower back ko ang palad niya, umiinit ang pakiramdam ko sa paraang hindi lamang seksuwal.
Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nasa malapit si Martin. Kapag nag-uusap kami at mas lalo kong nalalaman na marami kaming pagkakapareho, natutuwa ako. Lalo na kapag nagkakatinginan kami at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagkakaintindihan na kami agad. When he touches me I feel as if I'm being... healed.
Komportableng komportable akong kasama siya na nang tanungin niya ako kung gusto kong bumalik na sa maynila ay napasagot ako ng hindi. Gusto ko pang manatili sa Hidden Paradise kung saan unti-unti kong nalilimutan ang mga sakit at alaalang sumasakal sa akin noong nasa Maynila ako.
At nang sumang-ayon siyang manatili pa kami roon kahit isang linggo na kami doon ay nakahinga ako ng maluwag. Na napalitan ng munting kaba nang makita kong may nag-iba sa paraan niya ng pagtitig sa akin. Hindi naman eksaktong nakakatakot o nakaka-alarma ang naging pagbabago. At least, normally, hindi. Kaya binalewala ko ang kaba na nadama ko.
Sa mga sumunod na araw pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay napansin kong mas madalas nang ngumingiti si Martin kapag nakikita ako. Mas maasikaso pa siya sa akin ngayon kaysa dati. May lambing at pagsuyo sa boses kapag kinakausap ako.
Kung dati ay ako ang sinasabihan niyang humawak sa kamay niya, ngayon ay madalas na niyang kusang ginagagap ang kamay ko. Ang hawak niya sa siko ko, o ang paglapat ng palad niya sa likod ko ay hindi na rin magaan at may reserbasyon na katulad ng dati. His touch now is firmer. Almost possessive.
At ang tingin niya sa akin, alam ko na kung ano ang naiba. His gaze now looks wistful. Affectionate yet more intense. Intimate. At iba pang emosyon na hindi sa hindi ko mapangalanan. Hindi lang handa ang utak kong iproseso sa ngayon.
BINABASA MO ANG
PATIENT X (R-18)
Fiksi UmumWhen you get caught in a dangerous game, you will never be the same again. Joy Madrid is a beautiful woman suffering from major depression because of a relationship gone wrong. Mahal pa rin niya si James at kahit na ipinagpalit na siya nito sa ibang...