Chapter Ten

31.1K 572 55
                                    


LUTANG ang pakiramdam ko nang bumalik kami ni Dr. Martin sa loob ng ospital at magpaalam siya sa akin na babalik na siya sa opisina niya. Hanggang sa makauwi na ako sa apartment ko ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng mga napag-usapan namin.

Lalo na ang listahan ng mga erotikong pantasya ko. At ang kanyang pangako na tutuparin ang mga iyon. Hanggang ngayon, kapag naiisip ko ang mga sinabi niya ay nananayo ang balahibo ko at parang may nagwawalang mga paru-paro sa sikmura ko.

Paano niya isasakatuparan ang mga pantasya sa utak ko? Is he going to be my... partner? Uminit ang mukha ko. Hindi ba unethical para sa isang doktor ang gawin sa pasyente niya ang mga pantasyang gumugulo sa isip ko? Higit sa lahat, kapag nalaman ba niya ang mga pantasya ko... masasabi pa rin ba niya na tutuparin niya iyon o mare-realize niya na hindi pala niya kaya?

Pero paano kung kaya niya? Paano kung talagang gagawin niya ang lahat ng ilalagay ko sa listahan?

Kumabog ang dibdib ko at uminit ang pakiramdam ko sa isiping iyon. Huminga ako ng malalim, lumunok at saka lakas loob na kumuha ng papel at ballpen.

Matagal na napatitig lang ako sa blangkong papel. I know my erotic fantasies but I'm afraid to put it on paper. Ni sa isip ko ay pilit kong pinapalis ang mga iyon dahil sa kahihiyan at guilt.

Accept the sesual woman inside you...Let go of your fears...

Nanginig ang kamay kong may hawak ng ballpen. Sandali akong kumuha ng lakas ng loob, huminga ng malalim at saka mabagal na nagsulat sa papel. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nadadagdagan ang bilang ng mga pantasyang isinusulat ko. My stomach flutters while thinking that I will do all these fantasies... with my psychiatrist.

Natatakot ako. Pero kasabay niyon ay may nararamdaman akong... pagkasabik.

Frustrated na napaungol ako at nasubsob ang mukha sa papel na sinusulatan ko.

To feel excitement at this moment... I'm really sick.

DALAWANG araw ang nakalilipas ay bumalik ako sa opisina ni Dr. Martin para sa appointment ko sa kaniya. Kabado ako at parang umangat ang puso ko sa lalamunan ko nang makita ko siya. Hindi tulad ng dati ay wala siya sa likod ng lamesa niya. Nakaupo siya sa sofa at kung pagbabasehan ko ang pagkislap ng mga mata niya nang buksan ko ang pinto ay mukhang hinihintay talaga ako.

"Masaya akong makita ka ulit. Come here," kaswal na sabi niya.

Lumunok ako at mabagal na naglakad. Habang ginagawa ko iyon ay pasimple ko siyang pinagmasdan. Sa unang pagkakataon mula nang una ko siyang makita habang bed-ridden pa ako sa ospital, tinitigan ko talaga siyang mabuti. Dati kasi ay dinadaanan lang ng tingin ko ang mukha niya, hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin. Pero ngayon ay talagang nakikita ko na siya at narealize ko na ang dahilan kung bakit palaging napapatingin sa kaniya ang mga nakakasalubong namin sa pasilyo ng ospital na iyon.

Dr. Martin is handsome. May kasingkitan ang mga mata at makapal ang mga pilikmata. Kahit ang mga kilay niya ay makakapal din kaya mukha siyang masungit. Matangos ang ilong niya. And his lips are full and wide. Kaso palaging nakatiim na parang laging galit. Matangkad din siya at maganda ang tindig. May kung ano rin sa aura niya ang parang gugustuhin mong kunin ang pagsangayon at pagpuri niya. Iyong gagawin mo ang kahit anong puwedeng gawin makita lang ang ngiti niya.

Maybe those are the reasons why people will find him attractive.

"Bakit hindi ka pa umuupo?"

Kumurap ako sa biglang pagsasalita ni Dr. Martin. Bigla akong naging aware na kanina pa pala ako nakatayo sa harapan niya. Uminit ang mukha ko. Tumikhim ako at akmang uupo sa katapat niyang couch nang itaas niya ang kamay para pigilan ako.

PATIENT X (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon